^

PSN Palaro

PBA Gran Matador Phillipine Cup: Beermen, Tigers maghihiwalay ng landas

-
Isang magandang pangitain para sa San Miguel Beer ang kanilang dalawang sunod na panalo kahit na di pa nakakalaro si Danny Seigle.

Bagamat hindi pa kumpleto ang puwersa nakapagpundar na ng magandang kartada ang Beermen na nais nilang masustinihan sa kanilang nakatakdang pakikipagharap sa sister team na Coca-cola sa pag-usad ng eliminations ng 2004-2005 PBA Gran Matador Philippine Cup.

Nakatakda ang laban sa alas-4:00 ng hapon na maghihiwalay ng landas ng Beermen at Tigers na kasama sa four-way logjam kung saan ang matagumpay na team ay sosolo ng ikalawang posisyon.

Kasama ng Beermen at Tigers sa four-way tie sa 2-1 record ang Shell at ang Purefoods na natalo kontra sa Red Bull kamakalawa ng gabi, 101-81 para manatiling nakabuntot sa pangkalahatang lider na defending champion Talk N Text na siya na lamang team na walang talo sa taglay na 3-0 record.

Kahit di pa nakakalaro si Seigle na nagrerekober pa sa kanyang injury sa paa na nagka-bone spurs, kumulekta ng dalawang sunod na panalo ang Beermen matapos mabigo sa kanilang opening game laban sa Phone Pals, 89-93, noong October 3.

Sa ikalawang laro, maghaharap naman ang FedEx at Alaska sa alas-6:30 ng gabi bilang main game.

Sisikapin ng Aces na makapasok sa win column matapos ang dalawang sunod na talo laban sa FedEx na 1-1 kartada matapos ang 98-118 kabiguan sa Phone Pals. (Ulat ni CVOchoa)

BAGAMAT

BEERMEN

DANNY SEIGLE

GRAN MATADOR PHILIPPINE CUP

ISANG

KAHIT

PHONE PALS

RED BULL

SAN MIGUEL BEER

TALK N TEXT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with