^

PSN Palaro

Arcilla, Victorino nanalasa

-
Binanderahan ng mga paboritong sina Johnny Arcilla at Joseph Victorino ang mga first round winners sa pamamagitan ng magaan na panalo sa first round ng Enervon Men’s Open Singles Tennis Championships sa Makati Sports Club.

Iginupo ng top seed na si Arcilla ang qualifier na si Juvan Divinagracia, 6-1, 6-1 upang makaabante kontra naman kay Rocky Paglalunan ng PUP na umiskor naman ng 3-6, 6-1, 7-5 panalo kay dating Philippine Davis Cupper Michael Mora III.

Ang second pick naman na si Victorino, ay namayani kay qualifier Nico Faller, 6-4, 6-1, upang umabante naman laban kay ITF Juniors champion Kyle Joshua Dandan, na nanaig naman sa wild card na si Joshua Tan Ho, 6-3, 6-0.

Ginapi din nina third seed Rolando Ruel, 5th pick Adelo Abadia at 6th seed Chiemel Mantua ang kanilang asignatura sa unang round sa laban na ito na magbibigay ng P38,000 sa magkakampeon at P19,000 sa runner-up.

Tinalo ni Ruel, mainstay ng RP Davis Cup team, si Leo Laping, 6-3, 6-3, upang maka-usad kontra naman kay Ricar-do Lagac na nakalusot naman kay Ricky Catito, 4-6, 6-2, 6-2 habang si Abadia, na miyem-bro din ng national team, ay umiskor naman ng 6-1, 6-2 tagumpay laban sa wild card na si Michael Tenoria upang makaharap naman si Irwin de Guzman ng La Salle na nanaig naman kay Perfene Alina, 6-0, 6-1.

Ginapi ni Mantua ang La Salle coach na si Roland Kraut, 6-4, 6-1 upang ipuwersa ang second round duel kay Ralph Kevin Barte, na nagtala ng 6-4, 7-5 panalo kay Gilbert Estrada.

Ang mga iba pang nagwagi ay sina seventh seed Elbert Anasta laban kay lucky loser Nonoy Alayon, 6-3, ret., No. 8 Jesse Lapore kontra sa qualifier na si Luisito Hipolito, 6-2, 6-2, wild card Von Ruelan vs Luisito Clores, 2-6, 7-5, 6-2, Joseph Arcilla kontra kay Jandrick de Castro, 6-2, 6-1, Randy de Guzman laban sa lucky loser na si Nelson Flores, 6-2, ret. at Yannick Guba vs Nino Salvador, 3-6, 6-2, 6-1.

ADELO ABADIA

CHIEMEL MANTUA

DAVIS CUP

ELBERT ANASTA

ENERVON MEN

GILBERT ESTRADA

GINAPI

KAY

LA SALLE

NAMAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with