^

PSN Palaro

Mapanatili ang World Cup Title asinta ni Suarez sa national finals

-
Palalakasin ni reigning World Cup champion C.J Suarez ang kanyang kampanyang mapanatili ang titulo sa kanyang paglahok sa Bowling World Cup men’s national finals simula sa Biyernes, Oktubre 15 sa Starlanes sa may EDSA.

Makakasama ni Suarez, sina 4-time World Cup champion Paeng Nepomuceno, Chester King, Joonee Gatchalian, Biboy Rivera, R.J. Bautista, Benny Dytoc at 19 pang ibang bowlers sa panimula ng tatlong araw na event.

Irorolyo nila ang 12 games simula sa ganap na alas-11 ng umaga, ang top 28 finishers ay aabante sa susunod na round sa SM Megamall kung saan lalaro uli sila ng 12 games para madetermina naman ang top 8 na maglalaban-laban sa Paeng’s Eastwood Bowl mula quarterfinals hanggang finals.

Ang men’s champion ang magsusuot ng kulay ng Pilipinas sa 2004 World Cup International na nakatakda sa SAFRA Clubhouse sa Telok Blangah, Singapore sa Disyembre 2-15.

Si Suarez ang nanguna sa national finals sa ikalawang pagkakataon noong nakaraang taon at nakopo ang titulo sa World Cup na ginanap sa Tegucigalpa, Hondura.

Sa kabilang dako naman, si Nepomuceno ang natatanging 4-time winner ng prestihiyosong individual competition na ito at matapos ang matagal na pamamahinga magbabalik uli ito.

BENNY DYTOC

BIBOY RIVERA

BOWLING WORLD CUP

CHESTER KING

EASTWOOD BOWL

J SUAREZ

JOONEE GATCHALIAN

PAENG NEPOMUCENO

SI SUAREZ

WORLD CUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with