Dagdag events pero bawas gastos
October 13, 2004 | 12:00am
Matapos aprobahan ng Southeast Asian Games Federation Council ang 41 sports disciplines at 388 gold medals para sa 2005 SEA Games na iho-host ng bansa sa deliberasyong ginanap sa New World Hotel sa Makati City kahapon, panibagong pagbabawas sa budget ang gagawin ng Philippine SEA Games Organizing Com-mittee (Philsoc).
Mula sa P1.5 billion original budget, na-reduce ito sa P901 million para sa naunang planong 34-sports ngunit kailangan pa itong bawasan uli sa likod ng paglaki ng bilang ng events sa 41 para sa pagtatanghal ng 11-nation sports fest na nakatakda sa Nov. 27 hang-gang Dec. 5, 2005.
"Thats our goal," ani Philsoc chair Obet Pagdanganan. "Maybe we could cut down another P100 million. The biggest proportion of the budget would still come from refurbishing and renovations of the sports facilities. But if we can spend less on this, mas makakatipid pa tayo."
Magbabalik ang mga delegado ng SEA Games federation council sa Abril sa susunod na taon upang inspeksiyunin ang mga venues ng 41 events, ang pinakamalaki sa 45-taong kasaysayan ng SEA Games.
Ang Metro Manila ang magiging main hub, at ang mga satellite venues ay Bacolod, Cebu at Subic Bay Freeport.
Mula sa 34 sports, idinagdag ang weightlifting (8 golds), lawn tennis (4), lawnbowls (4), bodybuilding (4), muaythai (4) at squash (2) habang pinaghiwalay ang rowing (9) at dragon boat race (6) para sa kabuuang bilang na 41.
Natuwa si Philippine Olympic Committee (POC) at SEAGFC president Celso Dayrit sa naging desisyon ng federation council.
Ang opening ceremonies na tradisyunal na isinasagawa sa Stadium ay gaganapin sa Luneta Park sa Manila, na ngayon lamang mangyayari sa kasaysayan ng biennial meet.
Ang iba pang sports ay aquatics (41), archery (4), arnis (6), athletics (45), badminton (5), baseball (1), basketball (2), billiards and snooker (14), bowling (10), boxing (14), canoe/kayak (6), chess (6), cycling (12), dancesports (2), equestrian (2), fencing (12), football (2), golf (4), gymnastics (18), judo (14), karate (14), petanque (6), pencak silat (14), sailing (11), sepak takraw (4), shooting (21), softball (2), taekwondo (16), table tennis (4), triathlon (2), volleyball (4), wrestling (11) at wushu (18). (Ulat ni CVOchoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended