Ang 81 lady finalists ay lalaro ng 10 games simula sa alas-11 ng umaga na ang top 28 ang uusad sa susunod na round na nakatakda sa Lunes, Oct. 18 sa SM Megamall.
Taglay ang kani-kanilang mga iskor, ang nalalabing 28 ay muling magpapa-gulong ng 10 games upang madetermina ang top eight na siya namang lalaro sa head-to-head matches na magsisimula sa quarterfinals hanggang sa finals sa Miyerkules, Oct. 20 sa Paengs Eastwood Bowl.
Ang tatanghaling kampeon ang siyang kakatawan sa bansa para sa World Cup international finals na nakatakda sa Dec. 5-12 sa SAFRA Clubhouse, Telok Blangah, Singapore.
Nakopo ni Canare, na nanalo ng national title sa ikalawang sunod na pagkakataon noong nakaraan taon ang bronze medal sa international finals na idinaos sa Tegucigalpa, Honduras.
Si CJ Suarez naman ang tinanghal na ikaapat na Pinoy World Cup cham-pion.
Ang mga nauna ng kampeon ay sina Paeng Nepomuceno na nagbulsa ng apat na World Cup titles, ang yumaong si Lita dela Rosa at Bong Coo na nanalo naman ng tig-isang korona.