Isinalpak ng veteran point guard na si Ogie Gumatay ang 13 sa kanyang game-high na 17 puntos sa fourth quarter upang ilapit ang tropa ni Mayor Freddie Tinga sa finals sa torneong ito na hatid ng Panasonic, Spring Cooking Oil, PCSO, Natures Spring Mineral Water, Sulpicio Lines, Cebu Ferries, Air Philippines, Supercat, Skygo Motorcycles, TransAsia, Accel at Molten.
Nagawang maibaba ng 29ers ang pinakamalaking ka-lamangan ng Taguig sa 70-61 sa third period, ngunit gumamit ang Taguig ng fullcourt trap sa bungad ng final canto upang muling ilayo ang kanilang ben-tahe tungo sa panalo.
Sisikapin ng Taguig na maisara ang serye ngayong alas-6 ng gabi sa kanilang muling paghaharap, habang ikalawang panalo rin ang tangka ng Ozamiz kontra sa Iloilo sa alas-6 ng gabi sa Gov. Angel Medina gym sa Ozamiz City.