^

PSN Palaro

Beam Patakbo sumusuporta sa Buglasan Festival

-
Ipapakita ng Beam Zest-O Patakbong Pinoy ang angking ningning ng Negros Oriental sa pamamagitan ng isang 5-kilometro na patakbo na nakatakda sa Oct. 17 sa Dumaguete City.

Ito ang unang pagtapak ng patakbong itinataguyod ng Media Runners and Sports Promotions sa Visayas matapos ng maraming Luzon legs noong nakaraang taon. 

Karamihan sa mga kasali ay mga estudyante ng Negros Oriental High School at Silliman High.  

"We intend to make our first entry to Visayas a memorable one and the fact that the province celebrates Buglasan Festival underlines that," wika ni Jonel Promotions head Nelson Macaraig, na nagpasalamat kay Beam Toothpaste general manager Baby Yao sa patuloy na pagsuporta sa karera.  

Ang Buglasan Festival ay nakatakda mula Oct. 15 hanggang 24. Ang Buglasan ay nanggaling sa salitang "Buglas,'' na siyang orihinal na pangalan ng Negros Oriental.

Kasama sa piyestang ito ang mga parada, fireworks displays at pakontes na inaasahang hahatak ng mga turista.

ANG BUGLASAN

ANG BUGLASAN FESTIVAL

BABY YAO

BEAM TOOTHPASTE

BEAM ZEST-O PATAKBONG PINOY

BUGLASAN FESTIVAL

DUMAGUETE CITY

JONEL PROMOTIONS

MEDIA RUNNERS AND SPORTS PROMOTIONS

NEGROS ORIENTAL

NEGROS ORIENTAL HIGH SCHOOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with