^

PSN Palaro

Xavier silat sa Philippine Chen Kuang HS3:30 pm - St. John’s Academy vs. Aquinas School

-
Sa kauna-unahang pagka-kataon ay pinalasap ng pagka-talo ng Philippine Chen Kuang High School ang Xavier School 63-58 upang makuha ang solo liderato na may 3-0 karta sa 3rd San Juan Inter-High School Basketball tournament sa San Juan Gym.

Ito ang unang pagkabigo ng Xavier School sa tatlong taong partisipasyon sa tor-neong inorganisa ni dating PSC Commissioner at ngayon ay San Juan Vice-Mayor na si Leonardo "Boy" Celles.

Dahil dito’y bumagsak sa four-way tie para sa ikalawang puwesto ang Xavier School kasama ang San Juan Na-tional High, St. John’s Aca-demy at Florida Institute na pawang may 2-1 records.

Naungusan ng San Juan National High ang Roosevelt College sa double overtime, 90-85; sinilat ng Florida Ins-titute ang OB Montessori, 53-52 samantalang tinambakan ng St. John’s Academy ang Tabernacle of Faith, 71-33.

Ang Phil. Chen Kuang, na hawak ni coach Alex Austria, ay pinangunahan ni Clint Kho na may 20 puntos. Bukod sa kanya, tatlong iba pang ka-kampi ang nagtapos nang may double figures sa scoring. Si Alexander Laurel ay may 13 samantalang sina Daniel Labordo at Christian Louie Laxamana ay may tig-11 puntos.

ALEX AUSTRIA

ANG PHIL

CHEN KUANG

CHRISTIAN LOUIE LAXAMANA

CLINT KHO

DANIEL LABORDO

FLORIDA INS

FLORIDA INSTITUTE

ST. JOHN

XAVIER SCHOOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with