^

PSN Palaro

Junior Pinoy rider pumadyak ng silver medal

- Carmela Ochoa -
PUERTO PRINCESA City -- Ang modernong gamit ng powerhouse Japan ay nagbunga ng limang golds at apat na silver. Ang mga lumang gamit ng mga RP riders ay nagbunga ng isang silver.

Ito ang malinaw na katotohanan sa katatapos lamang na 10th Asian Mountain Bike Cham-pionships na ginanap sa isang bahagi ng forest reserve sa Sitio Magar-wak, Brgy. Sta. Lourdes sa bayang ito.

Matapos isubi ang dalawang ginto mula sa tatlong events ng downhill category kamakalawa, na-sweep ng Japan ang tatlong categories ng cross country events kahapon ngunit binigyan ni Niño Surban ng mai-pagmamalaki ang kan-yang mga kababayan sa pagkopo ng silver medal sa junior boys category.

Halos walang naging problema ang 34-gulang na si Kenji Takeya sa pagtahak ng 5.7-kilo-metrong kurso na inikot ng limang laps para mag-sumite ng pinakamabilis na oras sa men’s elite sa loob ng dalawang oras at 48-minuto.

Pumangalawa naman kay Takeya ang kababa-yang si Takanori Yama-guchi na may 1:33 minu-tong distansiya para sa silver kasunod ang Thai na si Tawtchai Masae na naka-bronze na may agwat na 2:39 minuto.

Nagtala rin ng 1-2 finish sa elite women’s ang Japan kung saan naka-ginto si Rie Kata-yama sa oras na 2:13.28 at ang silver ay kay Izumi Takahasi na may oras na 2:19.51 habang ang bronze ay nakuha ni Pornbanchoekul Chinda-rat ng Thailand (2:26.21).

Kung hindi lamang nagka-chainsuck ang bike ni Surban, isa’t kala-hating lap pa lamang ang nakakaraan, lumaban sana si Surban kay Ken Onodera na naka-gold sa junior boys na may oras na 1:45.53 na may 4.57 minutong distansiya sa 17-anyos na RP junior rider na nagkasya lamang sa silver habang ang bronze ay nakuha ni Sanley Jalip ng Malaysia sa oras na 1:53.30.

Ang unang dalawang ginto ng Japan sa event na ito na inorganisa ng Asian Cycling Federation at PhilCycling sa tulong ng PSC, POC, local go-vernment ng Puerto Prin-cesa sa ilalim ng pamu-muno ni Mayor Edward Hagedorn at Air21 ay galing kina Yasushi Adachi at Mio Suemasa sa men at women’s down-hill kamakalawa para sa kabuuang 5-golds at 4-silver finish. Naka-silver sina Miho Kamoshita at Horoki Maruyama sa downhill din.

Nagkaproblema din ang likod na gulong ni Marites Bitbit na kumalas sa isang downhill portion ng karera kaya siya sumemplang at nasa-yang ang kanyang nai-pundar na 30-segundong distansiya. Agad siyang isinugod sa ospital ngunit para i-x-ray ngunit wala naman itong malubhang pilay.

Hindi rin nakapuwesto si Eusebio Quinones na na-overlap gayundin sina Rafael Cortez at Frederick Feliciano.

ASIAN CYCLING FEDERATION

ASIAN MOUNTAIN BIKE CHAM

EUSEBIO QUINONES

FREDERICK FELICIANO

HOROKI MARUYAMA

IZUMI TAKAHASI

KEN ONODERA

KENJI TAKEYA

SILVER

SURBAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with