^

PSN Palaro

PBA Philippine Cup di-dribol na

-
Ito ang araw ng ba-gong simula ng Philippine Basketball Association.

Ang pagbubukas ng ika-30th season ng PBA ay magiging isang mala-king pagdiriwang para sa bagong kabanata ng makulay na kasaysayan ng kinagigiliwang liga ng bansa.

Kakaibang opening ceremonies na magpa-pakita ng mga taong pinagdaanan ng PBA sa pamamagitan ng maku-lay at magarbong presen-tasyon na sisimulan sa ganap na alas-4:00 ng hapon.

"Opening ceremonies will be once again spec-tacle worth watching. It will be a light and magic show that will depict the history and the classy story of the PBA. It will be a culmination of varius forms of media, including video, band, and live action, and very noble stage effects. The entry of teams will be noble. It will be the highlights of the opening ceremonies," pahayag ni PBA Commissioner Noli Eala.

Bubuksan naman ng Talk N Text at San Miguel Beer ang aksiyon ng panibagong kalendaryo ng PBA sa alas-6:00 ng gabi bilang opening game ng Gran Matador Philippine Cup na siyang magsisimula ng 2004-2005 season.

Tatawagin nang Philippine Cup ang dating All-Filipino Cup na sisimulang ipagtanggol ngayon ng Phone Pals na babanderahan pa rin ng 2003 Most Valuable Player na si Paul Asi Taulava at ni 2003 Rookie of the Year Jimmy Alapag ang tropa ni TNT coach Joel Banal.

Bukod sa mahahalagang personalidad ng liga, magbibigay kulay sa opening ceremonies ang mga muse ng 10 koponan kasama ang ilang dayuhang mula sa Bahrain, Indonesia, Korea at Brunei na inimbitahan ng PBA bilang bahagi ng planong globalisasyon ng liga.

Darating ang Korean Basketball League representative na si Jung Tae Wu, presidente ng SK Knights, kinatawan ng Indonesian Basketball League, 8-man delegation ng organizing committee ng Sultan Cup mula sa Brunei. Si Andy Alvis, ang choreographer at stage director mula sa Miss Saigon Manila staging ang naghanda ng opening program katulong ang tanyag na musical director na si Louie Ocampo at TV director na si Jing Bolaños.

Pinakakaabangan ng lahat ang tradisyunal na parada ng teams kasama ang kanilang naggagandahang muse na sina actress Angel Locsin ng Coca-cola, Maricel Soriano ng Alaska, Izza Calzado ng Talk N Text, Maureen Larrazabal ng Ginebra, commercial model Tessa Nieto ng Sta. Lucia, MTV VJ Karel Marquez ng Purefoods at International model Gwen Ruais ng Red Bull.

vuukle comment

ALL-FILIPINO CUP

ANGEL LOCSIN

BRUNEI

COMMISSIONER NOLI EALA

GRAN MATADOR PHILIPPINE CUP

GWEN RUAIS

INDONESIAN BASKETBALL LEAGUE

IZZA CALZADO

JING BOLA

TALK N TEXT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with