Lady golfer,boxer at 2 chess player sa PSA Athlete of the Year Award
September 29, 2004 | 12:00am
Sina pro golfer Jennifer Rosales, boxer Manny Pacquiao at Grandmasters Mark Paragua at Nelson Mariano ang bumandera sa initial batch ng mga atleta na inonomina para ng awards at citations sa PSA (Philippine Sportswriters Association) Annual Awards Night sa January 15, 2005 sa Manila Pavilion.
Dahil sa kani-kanilang impresibong performance na ipinamalas sa kani-kanilang sports ngayong taon. Inaasahan na sina Rosales, Paragua, Mariano at Pacquiao ay mahigpit na maglalaban para sa Athlete of the Year award, ang pinakamataas na award na ipinagkakaloob ng pinakamatandang grupo ng media practitioners sa bansa.
Sinabi ni PSA President Jimmy Cantor ng Malaya na ang executive board na binubuo ng editors ng ibat ibang national dailies ay nakatakdang magkitakita sa susunod na buwan upang i-evaluate ang performances ng mga nominado at maka-pagdesisyon na kung sino sa kanila ang isasama sa honor roll.
Ang listahan ng mga nominees ay maaari pang lumaki sa dahilang marami pang Pinoy athletes na nakatakdang magpakita ng aksiyon sa ilang international competitions sa susunod na tatlong buwan sa pangunguna ng national chess team na lalahok sa Chess Olympiad sa October sa Mallorca, Spain.
Ayon pa kay Cantor, inonomina rin ang iba pang sports patron at companies na nagbigay ng kani-kailang bahagi para sa local sports sa taong 2004 kabilang ang mga kumpanya na tumulong na suportahan ang paglahok ng national athletes sa international competitions at sa pagsasagawa ng malaking tournament dito.
Gaya ng nakagawian, pipiliin ng 90-member association ang kani-kanilang top athlete sa isang secret balloting ilang linggo bago idaos ang awards night.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended