^

PSN Palaro

MGA BADING NA FACULTY MEMBERS, SPONSOR NG NCAA CAGERS

TAKE IT TAKE IT! - Nap Gutierrez -
May nagkuwento sa amin na mayroon daw bading na mga faculty members ng isang paaralan na ang hilig eh mag-sponsor ng mga basketball players at ibang athletes ng iisang school sa NCAA. Ang mga faculty members na ito ay karespe-respeto kuno ang dating sa paaralan nila pero kapag nag-aaya na ng mga college players, sagot nila ang lunch, merienda o dinner ng mga inimbita nila. Ayaw man daw nilang sumama sa mga teachers na ito, napipilitan daw sila dahil baka mapahirapan sila sa ibang subjects nila. Isang araw, ikuku-wento na raw nila ito sa presidente ng paaralan nila.

Sino ang mga faculty members na ito na mahilig mag-sponsor ng mga college players at sinu-sino rin ang mga college players na ito?

Malalaman n’yo rin very soon...
* * *
Hulaan n’yo nga kung sino ang baklang ito na mahilig mag-represent ng mga college players pero ang mga players na nire-represent niya ay itinatanggi naman siya?

In fact, isa sa mga players na gusto niyang I-represent sa isang sikat na PBL team ay hindi naman niya alaga at walang-wala siyang karapatan na makialam sa dealing nitong college player mula sa NCAA.

Ba’t di na lang kaya siya mag-develop ng sarili niyang players?

Sabagay, kung anu-ano kasing istorya ang ikinuwento sa amin ng mga dati niyang hawak na players.

As in, nakakaloka ang mga revelations nila.

Tsk-tsk-tsk...
* * *
Granny Goose na mula sa General Milling Corporation at Duralite ang dalawa lang sa mga bagong teams na sasali sa next conference ng PBL.

May mga nawala nga pero may mga pumalit naman agad.

Sa October 23 na ang umpisa ng PBL at ayon kay Comm. Chino Trinidad, wala na itong urungan.

Studio 23 pa rin ang naka-suporta sa TV coverage ng PBL.

Pasok pa rin ang Ateneo-Lee Pipes, Toyota Otis Letran, Viva-FEU team at Montana Pawnshop.

Nag-iisip pa ang Sunkist ng RFM. Tutuo kayang may kumpanyang magpapasok sa PCU team?
* * *
Malapit ng mabuo ang Welcoat team sa PBL. Mga ilang slots na lang, okay na sila sa bago nilang team.

Si Caloy Garcia pa rin ang coach at si Jay Legacion ang assistant coach.

Si Albert de Jesus at Boy Lapid pa rin ang namamahala sa team.

Wala na sa kanila sina Dominic Uy, Dino Aldeguer, at Lou Gatumbato. Ewan ko kung ano ang nangyari.

Kabilang na sa team sina Eugene Tan, Ryan Dy, at Erwin Sta. Maria.
* * *
Grabe ang kampanyahan na nangyari sa MVP race ng UAAP.

As in nagkaroon ng kampihan--may mga maka-Arwind, may maka-Mark.

Ligawan sa mga press people, at kung anu-ano pa. In the end, si Arwind Santos din ang nanalo.

Tanong ng isang writer--bakit daw ganun ang kailangang mangyari sa labanan ng MVP?

Bakit, ano ba ang nangyari?

vuukle comment

ARWIND SANTOS

ATENEO-LEE PIPES

BOY LAPID

CENTER

CHINO TRINIDAD

DINO ALDEGUER

PLAYERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with