Bukod sa mga local talents, ilang manlalarong Fil-foreigners ang nag-kumpirma ng kanilang paglahok sa isang araw na event na magsisilbing preview ng incoming players na lalahok sa Dispersal-rookie drafts sa Biyernes.
Ayon kay Commissioner Chino Trinidad, ang Rookie Camp ay panga-ngasiwaan ng beteranong coach na si Bong Go na inaasahang nag-handa ng special drill para sa mga kalahok.
"I want to put the players in different play situations and see how they will handle each," wika ng dating lieutenant ng coaching ni Maestro Baby Dalupan.
Aabot sa mahigit 70 players na karamihan ay mula sa NCAA at ilan naman ay sa Cebu ang nagpadala ng kanilang interes na sumali sa camp na kakaiba kumpara sa mga nakalipas na rookie camps.
Gumawa ang 6-foot-4 na si Espinas, 22-anyos ng kasaysayan sa NCAA matapos na mapanalunan ang ROY at MVP awards na siyang tumu-long sa Philippine Christian University (PCU) na maisubi ang kanilang kauna-unahang NCAA crown.
Walang duda naman na isa ang 6-foot-5 na si Quiñahan, na isang ma-sugid na tagasunod ng NBA star na si Shaquille ONeal ang pinakasikat na cager sa South dahil sa kanyang mahusay na rebounding. Ang University of Visayas star ay nanalo na rin ng ilang individual honors sa Cebu league.