Caguioa, pumirma ng P14.7M sa Ginebra
September 26, 2004 | 12:00am
Pumirma ng panibagong kontrata si Mark Caguioa sa Barangay Ginebra na nagkakahalaga ng P14.7 million sa loob ng tatlong taon at kalahati.
Ang kamador ng Gin Kings na si Caguioa ay tatanggap ng buwanang sahod na P350,000 simula sa susunod na taon hanggang 2008 at nasiguro din na tatanggap ng maximum na sahod at bonus sa ilalim ng salary cap rule ng PBA.
Nakatakdang mapaso ang kontrata ni Caguioa sa Disyembre at bago pa man magsimula ang PBA season sa Oktubre 3 siniguro nilang makakasama ito sa lineup ng Kings para makasama ang ilan pang players na binigyan ng extension ang kontrata.
Ito ay sina Rodney Santos, Bal David, Banjo Calpito, Aries Dimaunahan, Estong Ballestos at Alex Crisano na mapapaso din ang kontrata sa Disyem-bre 31.
Magtatapos na rin ang kontrata ni Andy Seigle sa Disyembre 31 ngunit wala pang negosasyong nagaganap sa pagitan nina Seigle at ng Ginebra dahil kasalukuyang nasa Amerika ang Fil-Am player na nagpapagaling sa kanyang injury. (DMV)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended