Hawak ang mga itim na piyesa, tinanggihan ni Paragua ang alok na draw ni Ovetchkin sa kalagitnaan ng laro na naging dahilan ng kanyang unang pagkatalo.
Dahil sa kabiguang ito ng 20-anyos na si Paragua, kailangan niyang umiskor ng hindi bababa sa anim na puntos sa huling pitong rounds upang makuha ang GM title, gayunpaman, hindi pa rin siya naaalis sa liderato kung saan kasalo niya ang tatlong iba pang chessers na mayroong 5 puntos na nalikom.
Samantala, pinangunahan ni GM-candidate Roland Salvador ang kampanya ng Pinoy sa 1-2-3 finish sa katatapos na Sta. Catarina Semilampo Open Chess Championships sa Bergamo, Italy.
Kumubra si Salvador ng 6.5 puntos sa pitong rounds upang kunin ang korona, habang nagtala naman ang mga kababayang sina International Master Yves Rañola at National Master Rolly Martinez ng 6 at 5.5 puntos, ayon sa pagkakasunod.