NCAA Basketball Championship: UPHDS,PCU mag-uunahan sa Game One
September 17, 2004 | 12:00am
Dalawampung taon na--ganyan na katagal ang University of Perpe-tual Help Dalta System sa National Collegiate Athletics Association (NCAA) ngunit wala pa silang titulo sa mens basketball tournament.
Siyam na players. Yan lamang ang natira sa 12-man line-up ni Per-petual coach Bay Cristobal ngunit nagawa nilang makarating sa kampeonato sa taong ito.
Ito ang mga bagay na magbibigay ng matinding determinasyon para sa UPHDS Altas para sa kanilang pinapangarap na kauna-unahang titulo laban sa mapanganib na Philippine Christian University na nasa kanilang unang finals appearance matapos ang walong taon lamang na pagtatangka.
Sisimulan ng Altas na bigyan ng katuparan ang pangarap na ito sa pagbubukas ng best-of-three championship series ngayon sa Rizal Memorial Coliseum sa ganap na alas-4:00 ng hapon.
Kahit kulang sa tao, nagtapos bilang No. 1 team ang Perpetual sa eliminations bago nila dinispatsa ang San Beda College sa Final Four kamakalawa nang kanilang itakas ang 58-56 panalo.
Tinanggalan naman ng Philippine Christian University ng korona ang Colegio de San Juan de Letran matapos ang 85-80 overtime win sa Final Four kamakalawa para sa kanilang kauna-unahang finals appearance sapul nang pumasok sa liga noong 1996.
Kulang na kulang sa tao ang Altas kumpara sa kumpletong line-up ng Philippine Christian ngunit siguradong magiging matindi ang kanilang determinasyon kayat asahang ibayong performance ang ipapakita ni Noy Javier, ang No. 1 sa scoring sa kanyang 20.71 na average sa 14-game eliminations kasama sina Vladimir Joe, Fritz Bauzon at si Marcel Cuenco na tumapos ng 20-puntos sa kanilang panalo sa semifinals.
Malaking bentahe na-man para sa Dolphins ang kakulangan sa tao ng Altas at ito ang sasamantalahin ng Philippine Christian na pangungunahan ng No. 1 rebounder na si Gabriel Espinas, ang top contender ng Most Valuable Player Award dahil sa kanyang pinaka-mataas na Players All-Around Value (PAV) katulong sina Ian Garrido, Ramon Retaga at Rob Sanz.
Mauuna rito, magsasagupa ang PCU Baby Dolphins at ang Letran Squires sa alas-2:00 ng hapon sa kanilang sudden death match para sa karapatang hamunin ang defending juniors champion na San Beda Red Cubs. (Ulat ni CVOCHOA)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended