Mariano umalma sa seeded slot
September 15, 2004 | 12:00am
Ang awtomatikong pagbibigay ng slot para sa mga Filipino chess players sa major international tournament gaya ng World Chess Olympiad ang posibleng makapinsala sa development ng sports sa bansa at ng kawalan ng pag-asa ng iba pang players na makalahok para sa kampanya ng Philippines sa labas ng bansa.
Ito ang naging tugon ni Nelson Mariano, ang bagong Grandmaster kahapon hinggil sa plano ng National Chess Federation of the Philippines na pagkalooban ng seeded slot si International Master Mark Paragua sa 36th Chess Olympiad na gaganapin sa Majorca, Spain sa October 13.
Si Paragua na kakukuha pa lamang ng kanyang ikalawang GM norm habang nakikipag-tagisan ng utak sa Alushta, Ukraine ay hindi makakasabak sa national chess championship--ang qualifying event para sa Olympiad--at sa halip siya ay awtomatikong pagkakalooban ng slot ng NCFP para sa Majorca chessfest.
"Di tama na walang criteria. Its very unfair. I have nothing against (Mark) Paragua, but the system is very wrong," pahayag ni Mariano. "They are depriving the rights and chances of the (other) players!"
Sinabi pa ni Mariano na ang pagbibigay ng seeding slot sa players sa major overseas tournament ay "This will create division among players. Remember that our players who need (foreign) exposures depend only on our national championship."
Sinabi pa ni Mariano na nakakuha ng kanyang third at huling GM norm noong July sa Asean Chess Masters Congress sa Bangkok, Thailand na siya mismo ay handang sumabak sa qualifying event para sa pagkakataon na makalaro sa national team sa World Olympiad.
Sa katunayan, tinangka ng nasibak na Philippine Chess Federation na bigyan siya ng dalawa hanggang tatlong pagkakataon na maging seeded players sa 1992, 1994 at 1996 sa Olympiad, ngunit siya mismo ang tumanggi at sa halip mas gusto niyang dumaan sa isang kompetisyon para makakuha ng slot sa national team.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 13, 2025 - 12:00am