UCAA Basketball Tournament: Olivarez di umubra sa St. Francis
September 14, 2004 | 12:00am
Iniligwak ng St. Francis of Assisi College ang paghahabol ng Olivarez nang kanila itong pasadsarin sa iskor na 69-65 upang palakasin ang kanilang kampanya para sa three-peat sa 3rd Universities and Colleges Athletics Association (UCAA) basketball tournament kahapon sa EAC gym.
Ibinuhos ng two-time defend-ing champions Doves ang kanilang nalalabing lakas sa second half upang tabunan ang matinding determinasyong makapanor-presa ng Olivarez at maitakas ang krusiyal na panalo na siya nilang kailangan upang mapasolido ang kanilang kampanya na mapanatili ang hawak na korona sa eight-school meet na ito.
Bunga ng kanilang panalo, umangat ang kartada ng St. Francis sa 8-5 win-loss slate at kailangan nilang manalo laban sa league-leading Emilio Aguinaldo College sa pagsasara ng double-round elimination bukas upang makaseguro ng playoff para sa No. 2 slot sa Final Four.
Base sa tournament format, ang top two teams matapos ang double round elimination ang uusad sa crossover semifinals na ang top--two squad ang siyang makakakuha ng twice-to-beat advantage.
Nauna rito, magaang na hiniya ng EAC Generals ang La Salle-Manila, 69-65 upang ilista ang kanilang ika-13th dikit na panalo.
Ang kabiguan naman ng Olivarez (2-11) at La Salle (0-13) ang tuluyang nagpatalsik sa kanila sa kontensiyon.
Ang dalawang nalalabi pang slot se semis ay paglalabanan naman ng Philippine School of Business and Administration, La Salle-Dasmariñas, National College for Business and Arts at ng Colegio de San Lorenzo.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended