^

PSN Palaro

UAAP Men's Basketball: Ateneo vs La Salle para sa no. 2 spot

-
Para na rin itong championship showdown ng dalawang maigting na magkaribal sa collegiate basketball.

Pag-aagawan ng La Salle at Ateneo ang No. 2 spot sa Final Four sa nakatakda nilang playoff match ngayong alas-3:45 ng hapon sa 67th UAAP men’s basketball sa Araneta Coliseum.

Parehong tinapos ng Green Archers at Blue Eagles ang kanilang eliminasyon sa magkatulad na 10-4 rekord sa ilalim ng 11-3 baraha ng No. 1 na FEU Tamaraws.

Bukod sa Tamaraws, hahawak rin ng ‘twice-to-beat’ advantage sa Final Four ang mananaig sa pagitan ng La Salle at Ateneo bilang No. 2 team.

Binalikan ng Green Archers ang Blue Eagles sa second round via 72-61 panalo matapos makatikim ng 72-75 pagkatalo sa first round.

Sa kanilang upakan para sa No. 2 spot, inaasahang kapwa magiging handa sina Franz Pumaren ng La Salle, ang four time champion coach at Sandy Arespacochaga ng Ateneo.

Kasalukuyang sumasakay ang Taft-based cagers sa kanilang six-game winning streak, kasama rito ang 81-61 paglampaso sa University of the East noong Huwebes.

Sa kabilang banda, matapos namang maglista ang Katipunan-based dribblers ng isang seven-game sweep sa first round, nahirapan naman ang Ateneo sa second round na tinampukan ng kanilang 51-65 kabiguan sa FEU noong Sabado.

Sina Mac-Mac Cardona, Joseph Yeo, Jun Cabatu at Gerwin Gaco ang magdadala sa Green Archers katapat sina L.A. Tenorio, Paolo Bugia, JC Intal at Nagawa Membrere ng Blue Eagles.

Sa pagsisimula ng Final Four sa Huwebes, makakatapat ng Tamaraws ang UE Red Warriors, habang muling maghaharap ang Green Archers at Blue Eagles sa Linggo sa Big Dome.

ARANETA COLISEUM

ATENEO

BIG DOME

BLUE EAGLES

FINAL FOUR

FRANZ PUMAREN

GERWIN GACO

GREEN ARCHERS

LA SALLE

TAMARAWS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with