^

PSN Palaro

UST Salinggawi wagi sa Cheerleaders Competition

-
Wala pa ring kupas ang kahusayan ng Saling-gawi Dance troupe and Cheering Squad ng University of Santo Tomas sa cheering dance nang muli nilang makopo ang titulo sa ikatlong sunod na pagkakataon sa Nestle Cheerleaders Competition na ginanap kahapon sa punum-punong Araneta Coliseum.

Ang kakaibang routine na may pinagsama-samang jazz, hip-hop modern at ballet dance step tampok ang propeller toss kung saan tatlong kababaihan na nakapormang elisi ay pinaikot sa ere, ang naging bentahe ng Salinggawi para makaani ng 93.60 points. Bilang gantimpala para sa kanilang dalawang buwang paghahanda at pag-eensayo, ibinulsa ng UST Cheerleaders squad ang champion prize na P115,000.

Tinanghal naman bilang runner-up ang four-time champion na Uni-versity of the Philippines Pep squad na umani ng 90.56 puntos para sa konsolasyong P75,000.

Ang FEU Pep squad naman ang third placer matapos umiskor ng 87.09 puntos para sa P45,000 third prize.

Sa women’s basketball, nakalapit ang DLSU Lady Archers sa Final Four matapos na iangat ang record sa 6-5 sa pamamagitan ng kanilang 42-35 panalo kontra sa FEU Lady Tamaraws na bumagsak sa 5-6 record.

Sa iba pang aksiyon sa women’s na ginanap sa Adamson gym kahapon ng umaga, kapwa nagtagumpay ang mga semifinalists at may twice-to-beat nang defending champion AdU Lady Falcons, 76-37 at UST Lady Tigresses, 73-63, ayon sa pagkakasunod.

ARANETA COLISEUM

CHEERING SQUAD

FINAL FOUR

LADY ARCHERS

LADY FALCONS

LADY TAMARAWS

LADY TIGRESSES

NESTLE CHEERLEADERS COMPETITION

PHILIPPINES PEP

UNIVERSITY OF SANTO TOMAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with