Umiskor ng back-to-back na panalo ang RTU kontra sa St. Scho noong Sabado, 40-27 at laban sa Siena College-Quezon City kahapon, 67-36 upang pangunahan ang se-niors level na may 6-0 baraha.
Umiskor ng 11 at 10 puntos sina Rhodora Sacamay at Jac-queline Abacial para pamu-nuan ang Lady Technocrats, ayon sa pagkakasunod.
Sumandal naman ang Miriam sa 19 puntos ni Jennifer Dimaano upang humatak ng 49-40 panalo laban sa St. Scho kahapon para sa 4-0 record sa midget division.
Pinantayan naman ng DLSZ ang 4-0 record ng San Beda College-Alabang nang pigilan ang Angelicum College, 89-44.
Ang WNCAA 35th season ay co-presented ng Kotex at itinataguyod ng Adidas, The Philippine Star, RPN 9, Mon-ster Radio RX 93.1, Pantene at Café Lupe, sa kooperasyon ng Cadbury, Goldilocks, Po-werade, Molten, Mikasa at Rustans Essenses.
Noong Sabado, ipinalasap din ng St. Scho ang unang kabiguan ng Miriam sa juniors sa pamamagitan ng 90-61 decision na nagtabla sa kanilang baraha sa 3-1 para sa ikalawang puwesto sa likuran ng DLSZ.
Umusad sa ikatlong posis-yon ang St. Stephens High School na may 3-2 nang igupo nila ang La Salle College-Antipolo, 58-53.
Sa iba pang resulta: Sa Midgets, tinalo ng DLSZ ang SBCA, 45-6; sa Juniors: ginapi ng Chiang Kai Shek ang Siena, 63-27; at sa Seniors pinayuko ng Emilio Aguinaldo College ang Siena, 56-43; pinaluhod ng Miriam ang University of the Assumption-Pampanga, 65-43; at ginapi ng Centro Escolar University ang SBCA, 64-57.