^

PSN Palaro

RTU Miriam at De La Salle nangunguna

-
Tumatag sa liderato ang Rizal Technological University, Miriam College at De La Salle Zobel nang magwagi ito sa kani-kanilang division sa WNCAA 35th season basketball tournament sa St. Scho-lastica’s College gym.

Umiskor ng back-to-back na panalo ang RTU kontra sa St. Scho noong Sabado, 40-27 at laban sa Siena College-Quezon City kahapon, 67-36 upang pangunahan ang se-niors level na may 6-0 baraha.

Umiskor ng 11 at 10 puntos sina Rhodora Sacamay at Jac-queline Abacial para pamu-nuan ang Lady Technocrats, ayon sa pagkakasunod.

Sumandal naman ang Miriam sa 19 puntos ni Jennifer Dimaano upang humatak ng 49-40 panalo laban sa St. Scho kahapon para sa 4-0 record sa midget division.

Pinantayan naman ng DLSZ ang 4-0 record ng San Beda College-Alabang nang pigilan ang Angelicum College, 89-44.

Ang WNCAA 35th season ay co-presented ng Kotex at itinataguyod ng Adidas, The Philippine Star, RPN 9, Mon-ster Radio RX 93.1, Pantene at Café Lupe, sa kooperasyon ng Cadbury, Goldilocks, Po-werade, Molten, Mikasa at Rustan’s Essenses.

Noong Sabado, ipinalasap din ng St. Scho ang unang kabiguan ng Miriam sa juniors sa pamamagitan ng 90-61 decision na nagtabla sa kanilang baraha sa 3-1 para sa ikalawang puwesto sa likuran ng DLSZ.

Umusad sa ikatlong posis-yon ang St. Stephen’s High School na may 3-2 nang igupo nila ang La Salle College-Antipolo, 58-53.

Sa iba pang resulta: Sa Midgets, tinalo ng DLSZ ang SBCA, 45-6; sa Juniors: ginapi ng Chiang Kai Shek ang Siena, 63-27; at sa Seniors pinayuko ng Emilio Aguinaldo College ang Siena, 56-43; pinaluhod ng Miriam ang University of the Assumption-Pampanga, 65-43; at ginapi ng Centro Escolar University ang SBCA, 64-57.

ANGELICUM COLLEGE

CENTRO ESCOLAR UNIVERSITY

CHIANG KAI SHEK

COLLEGE

DE LA SALLE ZOBEL

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

HIGH SCHOOL

JENNIFER DIMAANO

LA SALLE COLLEGE-ANTIPOLO

ST. SCHO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with