^

PSN Palaro

FINISHING KICK

FREE THROWS - AC Zaldivar -
Hindi man maghaharap sa finals ang magkaribal na Ateneo Blue Eagles at La Salle Green Archers ay siguradong patok na rin ang mga natitirang playdates ng 67th University Athletic Association of the Philippines (UAAP) men’s basketball tournament.

Kasi nga’y bale best-of-three na rin ang mangyayaring sagupaan sa pagitan ng Blue Eagles at Green Archers na maghahamok bukas.

Tinalo ng nagtatanggol na kampeong Far Eastern University Tamaraws ang Ateneo, 65-51 sa pagtatapos ng elimination round upang makuha ang No. 1 spot at ang twice-to-beat advantage sa Final Four. Makakaharap ng Tamaraws ang University of the East Warriors.

Sa kabilang dako ay nagtabla naman ang Ateneo at La Salle sa ikalawang puwestro nang may 10-4 karta. Kaya naman bukas ay mayroong playoff para sa ikalawang puwesto at sa twice-to-beat advantage sa pagitan ng Blue Eagles at Green Archers bukas. Bale best-of-three na nga rin ito. Kahit alin sa dalawang koponang nabanggit ay kailangang magwagi ng dalawang beses upang umusad sa championship.

So, nakasalalay pa rin ang pride sa pagtatapos ng magkaribal at tiyak na mapupuno na naman nang husto ang playing venue. Mahahati ito sa asul at berde. Magpipista na naman ang mga scalpers dahil sa ties ten na naman ang halaga ng mga tickets. Mahihirapan na naman ang mga sportswriters na kumo-cover ng UAAP games dahil wala silang mauupuan. Kahit kasi ang press row (kung meron man nito) ay ookupahan ng mga bigtime na graduates ng dalawang eskuwelahang nabanggit. Mas mabuti na lang na sa telebisyon na lang manoon. Remote coverage, ‘ka nga!

May gut feel lang ako sa match-up na ito ,e.

Tila pabor na sa La Salle ang sitwasyon.

Matindi ang momentum ng Green Archers. Biruin mong matapos na magtala ng 4-3 record sa first round ay nagtapos pa sila nang may 104 karta. Natalo sila sa FEU sa simula ng second round subalit nagwagi sa huling anim nilang games.

Kabilang sa panalong iyon ay ang pagkakabawi nila sa Ateneo na tinambakan nila sa rematch. Kung iyon ang gagamiting basehan upang i-predict ang outcome ng laro bukas, aba’y makakaulit ang Green Archers.

Sa kabilang dako, tila pupugak-pugak ngayon ang Blue Eagles. Matapos na ma-sweep ang first round, 7-0 ay tatlong panalo na lang ang kanilang naitala sa second round. Muntik pa nga silang masilat ng nangungulelat na National University Bulldogs. Kumbaga’y parang nawala ang focus ng Blu Eagles.

Ayon nga sa mga eksperto na hindi maka-La Salle o maka-Ateneo, nagpi-peak ang Green Archers sa tamang panahon samantalang sumasadsad na ang Blue Eagles.

Di nga ba’t sabi ng mga eksperto "It’s not how you start the game, it’s how you finish it."

Matindi yata ang magiging finishing kick ng Green Archers!

vuukle comment

ARCHERS

ATENEO

ATENEO BLUE EAGLES

BLU EAGLES

BLUE EAGLES

FAR EASTERN UNIVERSITY TAMARAWS

FINAL FOUR

GREEN

GREEN ARCHERS

LA SALLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with