^

PSN Palaro

Batang Pinoy chessers 3 place

-
Itinakas ni Wesley So ang medalyang ginto sa boys’ 12-under rapid event upang pamunuan ang kampanya ng Philippines sa 3rd place finish sa 5th ASEAN Age-Group Chess Championships na ginanap sa VungTau, Vietnam kamakailan.

Tumapos ang 10-anyos na si So ng 8.5 puntos sa pagsasara ng nine-rounds upang makopo ang korona kung saan lamang ito ng dalawang puntos kontra sa mahigpit na kalaban na si Chung Juen Sen ng Singapore.

Nagbulsa rin si So ng ginto sa standard event matapos na makisalo sa unang puwesto sa isa pang Singaporean na si Terry Chua upang idagdag sa kabuuang limang ginto ng bansa.

Ang iba pang batang chessers na nagbigay ng ginto sa bansa ay sina Jan Nigel Galan nang kumubra ito ng dalawa matapos na mapagwagian ang individual rapid sa boys’ 10-under play, bago nakipagtambal kay Marc Christian Nazario para mapanalunan ang team event.

Ibinigay naman ng first-time international campaigner na si Jedara Docena ang nag-iisang ginto sa kababaihan matapos na dominahin ang rapid event sa girls’ 12-under class. Nag-uwi rin ang RP youth chessers ng pitong silvers at pitong bronze.

AGE-GROUP CHESS CHAMPIONSHIPS

CHUNG JUEN SEN

IBINIGAY

ITINAKAS

JAN NIGEL GALAN

JEDARA DOCENA

MARC CHRISTIAN NAZARIO

NAGBULSA

TERRY CHUA

WESLEY SO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with