Itoy makaraang mabatid na naglabas ang National Chess Federation of the Philippines (NCFP) ng resolution na nagbibigay sa highest rated male player ng bansa na awtomatikong seeded sa team para sa Southeast Asian Games at Asian Games at maging sa World Chess Olympiad.
Mula sa 454 na atletang ipinadala ng bansa sa naka-raang taong SEA Games sa Vietnam, si Paragua ang siyang may pinakamaning-ning na produksiyon sa pagbulsa ng tatlong ginto.
Paglalabanan ang anim na nakalaang slot para sa mens team at ito ay pupu-nan lamang ng mga finalists sa National Chess Championship na nakatakda sa Sept. 18-29 sa Tagaytay City, kung saan hindi ubra si Paragua na sumabak dahil kasa-lukuyan itong may commitments.
Si Paragua ay inimbitahan din sa 2004 Corsica Masters sa Bastia France sa nasabi ring petsa na kasabay ng Chess Olympiad ngunit mas pinili ang maging kinatawan ng bansa.