^

PSN Palaro

Maging kinatawan sa Olympiad tinanggap ni Paragua

-
Mabilis na tinanggap ni International Master Mark Paragua ang hamon na pamunuan ang kampanya ng Philippines ngayong taong World Chess Olympiad na gaganapin sa Majorca, Spain sa susunod na buwan.

Ito’y makaraang mabatid na naglabas ang National Chess Federation of the Philippines (NCFP) ng resolution na nagbibigay sa highest rated male player ng bansa na awtomatikong seeded sa team para sa Southeast Asian Games at Asian Games at maging sa World Chess Olympiad.

Mula sa 454 na atletang ipinadala ng bansa sa naka-raang taong SEA Games sa Vietnam, si Paragua ang siyang may pinakamaning-ning na produksiyon sa pagbulsa ng tatlong ginto.

Paglalabanan ang anim na nakalaang slot para sa men’s team at ito ay pupu-nan lamang ng mga finalists sa National Chess Championship na nakatakda sa Sept. 18-29 sa Tagaytay City, kung saan hindi ubra si Paragua na sumabak dahil kasa-lukuyan itong may commitments.

Si Paragua ay inimbitahan din sa 2004 Corsica Masters sa Bastia France sa nasabi ring petsa na kasabay ng Chess Olympiad ngunit mas pinili ang maging kinatawan ng bansa.

ASIAN GAMES

BASTIA FRANCE

CHESS OLYMPIAD

CORSICA MASTERS

INTERNATIONAL MASTER MARK PARAGUA

NATIONAL CHESS CHAMPIONSHIP

NATIONAL CHESS FEDERATION OF THE PHILIPPINES

PARAGUA

SI PARAGUA

SOUTHEAST ASIAN GAMES

WORLD CHESS OLYMPIAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with