^

PSN Palaro

Realubit balik-PBA

-
Makaraan ang dalawang taong pagkawala sa eksena ng Philippine Basketball Association magbabalik si Zaldy Realubit suot ang uniporme ng Purefoods TJ Hotdogs na kumuha sa kanyang ser-bisyo para sa All-Filipino Conference na magsi-simula sa Oktubre 3 sa Araneta Coliseum.

Ang 6’5 na si Realubit, na huling naglaro sa Fed-Ex noong 2002, ay naging bahagi ng paglilibot ng San Miguel All-Stars nang ipatawag ito ng kampo ng Purefoods noong nakaraang buwan.

Matindi ang pangangailangan ng Hotdogs ng lehitimong sentro at si Realubit na may malalim na karanasan ang perpekto sa lugar na ito. Nauna rito, ipinamigay ng Hotdogs si rookie Ervin Sotto sa Shell kapalit ni Michael Hrabak. Gayunpaman, hindi natural center si Hrabak at higit na mas kailangan ito sa outside shots.

Sa Purefoods, makakatulong si Realubit nina slotmen Kerby Ray-mundo at Richard Yee.

Si Realubit, na halos pinalipas ang buong amateur days sa Mama’s Love, ay unang naglaro para sa Presto Ice-Cream noong 1989. Noong 1990, miyembro ito ng unang PBA-backed-up National squad sa Asian Games na ginanap sa Beijing China na pinamahalaan ni coach Robert Jaworski. Umuwi silang bitbit ang silver medal.

Nang mag-disband ang prangkisa ng Gokongwei, bago matapos ang 1992 season, kinuha siya ng Sta. Lucia Realty. Ngunit sa kalagitnaan ng 1993, ipinamigay sa Swift Hotdogs kung saan nanatili siya sa loob ng walong seasons bago kinuha ng Tanduay Rhum sa kalagitnaan ng 2000.

Ngunit bago matapos ang 2001, ibinenta ng Tanduay ang kanilang prangkisa sa FedEx at napuwersa si Realubit na ubusin sa Express ang kanyang kontrata bago ito maiwan na nangangapa sa 2003. (Ulat ni ACZaldivar)

ALL-FILIPINO CONFERENCE

ARANETA COLISEUM

ASIAN GAMES

BEIJING CHINA

ERVIN SOTTO

KERBY RAY

LUCIA REALTY

MICHAEL HRABAK

NGUNIT

REALUBIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with