WNCAA 35th season: Lyceum,lumapit sa no. 1
September 12, 2004 | 12:00am
Lumapit sa number one spot ang defending champion Lyceum of the Philippines nang durugin nila ang karibal na College of St. Benilde, 25-20, 25-14, 25-14 sa volleyball tournament ng WNCAA 35th season sa RTU gym.
Hindi binigyan ng Lady Pirates ng pagkakataon ang Lady Blazers na makalapit upang ipalasap sa kalaban ang kanilang ikatlong kabiguan sa walong laban. Ang Lady Pirates ay may hawak ngayong 6-0 baraha.
Habang ang University of Assumption-Pampanga na siyang nangunguna sa markang 7-0 ay kasalukuyang nakikipaglaban sa Emilio Aguinaldo College, habang sinusulat ang balitang ito.
Ang WNCAA 35th season ay co-presented ng Kotex at itinataguyod ng Adidas, The Philippine Star, RPN 9, Monster Radio RX 93.1, Pantene at Café Lupe, sa kooperasyon ng Cadbury, Goldilocks, Powerade, Molten, Mikasa at Rustans Essenses.
Sa opening game, binugbog ng Rizal Technological Univer-sity ang Miriam College, 25-12, 25-23, 25-8, upang palakasin ang kanilang baraha sa 6-1 at manatiling nasa ikatlong puwesto. Nalaglag naman ang Miriam sa 2-4.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended