^

PSN Palaro

Paragua makakasama na sa Olympiad

-
Malaki ang posibilidad na makapaglaro si International Master Mark Paragua para sa Philippines sa World Chess Olympiad sa susunod na buwan na gaganapin sa Majorca, Spain.

Dahil inaprobahan noong Biyernes ng mga board directors ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP) ang resolution na nagsasaad na ang mga awtomatikong seeded at top-rated players ng bansa ang siyang isasabak sa Olympiad at Southeast Asian Games.

Ang nasabing resolution ay ipinakilala ni Rep. Mat Defensor, dating pangulo at ngayon ay board chairman na sinegundahan ng bagong halal na NCFP president na si Go Teng Kok.

Nakasaad sa nasabing resolution na si Paragua, ang kaslaukuyang No. 1 chess player ng bansa na may ELO na 2554, ay makakasama sa kanyang ikalawang Olympiad kahit hindi na ito sumabak pa sa mahigpitang elimination tournament na magsisimula sa Sept. 18 sa Tagaytay City.

Si Paragua, na kasalukuyang nasa Ukraine at sumasabak sa ikalawa ng tatlong bahagi ng mahigpitang tournament, ay hindi nahingan ng pahayag hinggil dito.

Ayon naman sa abugadong si Sammy Estimo, na nahalal bilang secretary-general na ang naturang resolution ay magbibigay inspirasyon sa mga top players na magsikap na mapaangat ang kanilang ELO ratings.

Sinuportahan naman nina Grandmaster Eugene Oliveros Torre at Asian Zonal champion Ronald ‘Titong’ Dableo ang nabanggit na board resolution.

Nakasaad din sa bagong board resolution na tanging limang slots lamang ang ipagkakaloob sa nalalabing 17 chess finalists.

Samantala, dinala kaagad ni Mark Paragua ang kanyang unang kampanya para sa pagsungkit ng ikatlong GM-norm sa draw ang kanyang laban kontra kay Das Neelotpat ng India, ang kanyang mahigpit na kalaban sa 1st Alushta GMT.

Susunod na makakaharap ni Paragua ang WGM/IM na si Nino Khurtsidze ng Georgia hawak ang mga itim na piyesa.

ASIAN ZONAL

DAS NEELOTPAT

GO TENG KOK

GRANDMASTER EUGENE OLIVEROS TORRE

INTERNATIONAL MASTER MARK PARAGUA

MARK PARAGUA

MAT DEFENSOR

NAKASAAD

NATIONAL CHESS FEDERATION OF THE PHILIPPINES

NINO KHURTSIDZE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with