^

PSN Palaro

College players para sa NBDL hanap

-
Matapos mapaglaro sina dating PBA players Bong Alvarez at Vince Hizon sa United States Basketball League (USBL), plano naman ni US-based agent/player Sam Unera na makakuha ng collegiate cager para sa lilipatang National Basketball Develop-mental League (NBDL).

Ibinunyag kahapon ni Unera na nakapagsumite na siya ng application paper para sa pag-kakaroon ng isang prangkisa sa NBDL na may kabuuang 14 mem-ber teams.

"Kung magkakaroon tayo ng prangkisa sa NBDL, talagang kukuha na ako ng fresh player from college," ani Unera, matalik na kaibigan ni ‘Living Legend’ Robert Jaworski Sr.

Dati nang minataan ni Unera ang 6-foot-7 at 17-anyos na anak ni dating PBA player Peter Aguilar na si Japet, naglalaro sa Ateneo De Manila Blue Eagles sa UAAP, para sa isang posibleng US stint.

Sa kanyang inaasahang pag-buwag sa pinamamahalaang Pennsylvania Valleydawgs, nag-hari sa nakaraang USBL season kasama sina Alvarez at Hizon, sinabi ni Unera na hangad niyang muling makakuha ng Filipino cager para mapaglaro sa NBDL, tuma-tayong ‘farm league’ ng National Basketball Association (NBA).

Umaasa si Unera na makaka-kuha na siya ng sagot mula sa NBDL na pinamumunuan ni Commissioner Rose Pimentel, isang Filipina.

"When I get back I think I could get the respond because I have submitted the application already," sabi ni Unera, responsable sa pagdadala ng mga imports sa PBA, sa kanyang pakikipag-usap sa NBDL.

ATENEO DE MANILA BLUE EAGLES

BONG ALVAREZ

COMMISSIONER ROSE PIMENTEL

LIVING LEGEND

NATIONAL BASKETBALL ASSOCIATION

NATIONAL BASKETBALL DEVELOP

PENNSYLVANIA VALLEYDAWGS

PETER AGUILAR

ROBERT JAWORSKI SR.

SAM UNERA

UNERA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with