^

PSN Palaro

Letran, San Beda Nalo, Humatak Ng Rubber-match

-
Sa pagkawala ng main man na si Ronjay Enrile, may naasahang Jonathan Aldave ang defending champion Colegio de San Juan de Letran para manatiling buhay ang kanilang kampanya sa pagdedepensa ng titulo sa NCAA men’s basketball tournament.

Nakaligtas ang CSJL Knights sa Philippine Christian University nang umiskor ng winning triple si Aldave sa huling 3.2 segundo ng labanan para agawin ang 65-64 panalo sa unang seniors game ng Final Four kahapon.

Naipuwersa ng Letran ang do-or-die game sa Miyerkules na gaganapin sa Rizal Memorial Coli-seum kontra sa Philippine Christian na may isa pang tsansa para makapasok sa finals dahil sa taglay na twice-to-beat advantage.

Ito rin ang naging ka-palaran ng San Beda College nang kanilang samantalahin ang kapos na line-up ng host Uni-versity of Perpetual Help Dalta System tungo sa 57-48 panalo sa ikalawang laro.

Mabuti na lang at may twice-to-beat advantage din ang UPHDS Altas na naglarong pito lamang ang players sa pagkaka-injured ni Vladimir Joe at Dale Mendoza kaya may pag-asa pa ang Perpetual sa isa pang rubber-match sa Miyerkules ngunit wala pang oras ang mga laro na ihahayag ng NCAA ngayon.

Buhat sa 28-29 pagka-kahuli sa halftime, nilimi-tahan lamang nila sa dala-wang puntos ang Perpe-tual sa ikatlong quarter upang agawin ang benta-he sa 41-31 matapos ang 13-puntos na produksiyon bago naiposte ang kani-lang pinakamalaking kala-mangan na 15-puntos, 50-35.

Nalagay naman sa bingit ng pagkakatanggal ng korona ang Letran nang umabante ang PCU Dolphins ng 64-62 may 12.7 segundo na lamang ang oras sa laro matapos ang dalawang free-throws ni Robert Sanz na nag-selyo ng kanyang 25-point performance.

Ngunit pinasahan ni Boyet Bautista ang libreng si Aldave sa rainbow area at nang pumasok ang kanyang winning shot, umugong sa Big Dome ang hiyawan ng Letran crowd sa kagalakan.

Bagamat may pas-asa pang makaiskor ang Dolphins sa natitirang 3.2 segundo ng labanan, wala sa target ang despe-radong attempt ni Joel Solis sa half court.

Letran 65 -- Alcaraz 15, Andaya 14, Bautista 11, Aldave 7, Anabo 6, Pinera 4, Aban 4, Santos 2, Rodriguez 2.

PCU 64 -- Sanz 25, Retaga 16, Espinas 9, Castro 6, Solis 5, Garrido 3, Salansang 0, Acraman 0.

Quarterscores: 15-16; 29-34; 43-46; 65-64.

SBC 57-- Bombeo 13, Aljamal 12, Bughao 8, Paterno 7, Angeles 6, Hudencial 5, Cordero 3, Arbole 2, Weber 1.

UPHDS 48-- Javier 14, Misa 11, Barnson 8, Cuen-co 6, Bauzon 4, Apor 3, Refuerzo 2, Mendoza 0.

Quarterscores: 14-18; 28-29; 41-31; 57-48.

ALDAVE

BIG DOME

BOYET BAUTISTA

DALE MENDOZA

FINAL FOUR

JOEL SOLIS

JONATHAN ALDAVE

LETRAN

MIYERKULES

PERPETUAL HELP DALTA SYSTEM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with