^

PSN Palaro

NCAA Basketball Tourney: Finals asam ng Altas at Dolphins

-
Kalimutan na ang lahat ng nangyari sa elimination round dahil sa pagbubukas ng semifinals ngayon ng NCAA men’s basketball tournament, mas intensibo, mas determinado, mas mainit ang apat na koponang magrarambulan ngayon sa Araneta Coliseum na iisa lamang ang target: ang makapasok sa finals.

Ipagpapatuloy ng Colegio de San Juan de Letran ang kanilang kampanya sa pag-dedepensa ng titulo sa kanilang pakikipagharap sa Philippine Christian University sa alas-2:00 ng hapon at itutuloy naman ng host University of Perpetual Help Dalta System ang layuning ibalik sa glorya ang Altas sa kanilang pakikipagharap sa San Beda College sa alas-4:00 ng hapon.

May taglay na twice-to-beat advantage ang UPHDS Altas at ang PCU Dolphins bilang top two teams sa elimination round na parehong nagtapos na may 10-4 pana-lo-talo.

Kailangan silang talunin ng CSJL Knights at ng SBC Red Lions ng dalawang be-ses habang isang panalo lamang ang kailangan ng Philippine Christian at Perpetual at pasok na sila sa best-of-three finals.

Bagamat may bentahe ang Altas at Dolphins, walang puwang para sa kanila na maging kumpiyansa dahil siguradong intensibo ang Letran na determinadong ipagtanggol ang iniingatang titulo at pursigido naman ang San Beda, na dumaan muna sa butas ng karayom bago makarating sa yugtong ito, na magbigay ng mainit na laban.

Ang Bedans ang pinakahuling nakapasok sa semifinals dahil kinailangan nilang dumaan sa playoff kamakalawa kung saan sinibak nila ang Mapua Institute of Tech-nology Cardinals, 59-52. (Ulat ni CVOchoa)

ALTAS

ANG BEDANS

ARANETA COLISEUM

LETRAN

MAPUA INSTITUTE OF TECH

PHILIPPINE CHRISTIAN

PHILIPPINE CHRISTIAN UNIVERSITY

RED LIONS

SAN BEDA

SAN BEDA COLLEGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with