Itoy matapos na talunin ng 20-anyos na si Paragua ang kapwa niya IM na si Elina Danielian ng Armenia sa 14th round at penultimate round upang lalong patatagin ang kanyang kapit sa solong pamumuno sa pagpapatuloy ng Alushta GM Tournament sa Alushta, Ukraine.
Bunga ng panalo, taglay na ngayon ni Paragua ang .5 puntos na kalamangan sa mga naghahabol na sina IMs Yuriy Kuzubov ng Ukraine at Roman Ovetchkin ng Russia matapos na makaipon ng kabuuang 10.5 puntos.
Kaugnay nito, mahusay na pinagana ni Wesley So ang kanyang pagkakaroon ng bentaheng paghawak sa mga puting piyesa upang pisakin ang Vietnamese na si Tran Ngoc Lan sa sixth round at patuloy na makisalo sa pangunguna sa boys 12-under bracket ng 5th ASEAN age-group chess champion-ships sa Vung-Tau, Vietnam.
Nakasalo ng 10-anyos na si So, na seeded 24th dahil sa kakulangan ng international exposures, sa pamumuno ang top seed na si Chua Zh Y. Terry ng Singa-pore na kapwa may naipong tig-5 puntos.
Sinawing palad naman ang isa pang lahok ng bansa na si Aices Salvador na yumukod sa top seed na si Pham Bich Ngoc ng Vietnam sa girls 14-under bracket na naging daan ng kanyang pagdausdos dahil sa nai-pong 3.5 sa likod ng kalaban na mayroong 5.5 puntos.
Samantala, kumulekta si International Master Yves Rañola ng 8.5 puntos sa nine round upang dominahin ang Novarra International Semi-lampo Open na ginanap sa Italy.
Kabilang sa naging biktima ni Rañola sa Swiss System tournament ay sina Grandmaster Stephan Djuric at IMs Mrdja Folco Castaldo.