^

PSN Palaro

Masyadong mainit ang dugo ng Letran

SPORTS LANG! - Dina Marie Villena -
Susmaryosep. Masyadong mainit ang bakbakan sa NCAA at kapuna-puna na laging may gulong nagaganap at players na nasususpinde. At laging involve yata ngayon ay ang Letran Knights ni coach Louie Alas. Di ba’t kailan lang ay nagkaroon ng kontrobersya nang maglatag ng Temporary Restraining Order (TRO) ang Letran upang iapela ang kaso ng Knights na si Frederick Rodriguez na sinuspinde ni NCAA commissioner Ricky Palou dahil sa paniniko sa Altas na si Dean Apor kung saan kapwa sila pinarusahan?

Sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng NCAA na ngayon ay nasa ika-80th taon na, ngayon lamang nangyari na ang isang miyembro ng liga ay nagsampa ng TRO kung saan tila napahiya ang Management Committee sa inasal na ito ng Letran.

Well, tapos na yun.

Pero muling nasangkot na naman sa gulo ang Letran dahil suspindido naman ngayon ang isa sa kanilang sandata na si Ronjay Enrile dahil sa unsportsmanlike conduct. At hindi naman daw aapela ngayon ang Letran.

Gayunpaman, hindi ito ang istoryang nais kong malaman.

Ang sa akin, bakit tila laging nasasangkot ang Letran sa gulo o away sa basketball?

Kung matatandaan ko, isa sa dahilan ng paglisan ng De La Salle sa NCAA noon kung saan dati silang miyembro ng NCAA ay ang rambulang naganap din sa pagitan ng DLSU at Letran.

Ngayon Letran na naman ang involved.

Ano ba ‘yan? Talaga bang nakikilala ang Letran sa pagiging basagulero?

Hindi naman siguro, di ba coach Louie? Talaga lang sigurong mainit ang labanang nagaganap ngayon lalo na’t ang laging nasasangkot din sa kanilang gulo ay ang Perpetual Help.

Tuwing maghaharap yata ang dalawang school na ito ay laging may hindi magandang insidenteng mangyayari.

Kunsabagay, part daw ng basketball ang sikuhan, balyahan, patiran at suntukan. Hindi yata enjoyable ang laro kung mawawala ang mga ito.

At sa nagaganap na pangyayari, namumuo ngayon ang rivalry sa pagitan ng Letran at ng UPHDS.

Kapag nagkaganoon, laging aabangan na ito at tiyak na laging mapupuno ang venue kapag silang dalawang ang magkaharap.

Eh tila posible pang mangyari yun dahil kapwa nasa Final Four ang dalawang team.

Tiyak umaatikabong basketball at boxing ball ang magaganap kapag silang dalawang nagharap sa kampeonato.

Anong sey n’yo?

DE LA SALLE

DEAN APOR

FINAL FOUR

FREDERICK RODRIGUEZ

LAGING

LETRAN

LETRAN KNIGHTS

LOUIE ALAS

MANAGEMENT COMMITTEE

NGAYON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with