Lavalan, Aranzaso namayagpag
September 6, 2004 | 12:00am
Pinataob nina Rotrice Ashlie Lavalan ng UE at Gerrielyn Aranzanso ng DLSU ang kani-kanilang kalaban upang magreyna sa womens junior division ng Samsung Best of the Best National Taekwondo Championships habang dinomina naman ni flyweight Jason Sinoy ng General Santos ang mens side sa harap ng maraming manonood sa Glorietta Activity Center sa Makati City.
Ang 14 anyos na si Lavalan, blackbelter at gold medalist sa 5th Korean Open, ay nagtala ng 3-0 panalo kay Ma. Abigail Rustria sa semis at 7-4 tagumpay laban kay Cristina Faye Ongpin ng Clarkfield para angkinin ang finweight crown, habang ang 17 anyos na si Aranzanso, gold medal winner sa World Hwarang Championships, ay napanatili ang kontrol sa kaagahan ng laban at bugbugin si Monica Dianelo ng Clarkfield, 8-4, para naman maangkin ang flyweight title.
Sinupil ni Cathy Jane Hampac ng Zamboanga si Kristie Jane Manapsal ng AIDA, 6-4; nanaig si Rubylin Mapa ng NTU Tigers kay Kathleen Roble ng Cagayan, 6-2; habang pinayuko ni Elmie Rose Baradas si Jessica Joy Ballesteros ng Cavite, 3-2, para naman mapagwagian ang flyweight, lightweight at featherweight crowns, ayon sa pagkakasunod sa pagsasara ng limang araw na event na itinataguyod ng Sam-sung at may basbas ng Philippine Taekwondo Association.
Sa kabilang dako, ginapi ni Sinoy si Vishnu Catarig ng Muntinlupa, 11-5, upang pangunahan ang mga nagwagi sa kalalakihan.
Pinataob ni Giorgio Von Gerri de Guzman ng UST, ang 16-year-old mainstay ng national team, si Dennis Resaba ng UE, 4-2, para mamuno sa bantamweight division habang nakuha naman ni Edison Bagaipo ang finweight crown makaraang gapiin si Raffy Futolan ng RPTC, na nadiskuwalipika matapos tumanggap ng 8 warning para sa 4-pt deduction. Pinayuko naman ni Jurrie Bernardino ng UST si Benedict Polloso ng Rizal HS, 5-4, upang akuin naman ang featherweight diadem.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended