Nanalo ang 20-anyos na si Paragua sa kanyang 9th at 10th round games laban kay GM Sergey Kalygin ng Russia at IM Dimitry Tishin ng Ukraine.
Kailangang umiskor si Pa-ragua ng 10.5 points sa Category IX event na ito na nilahukan ng 16 players (15 games), ngunit may posibili-dad na makuha ni Paragua ang kanyang ikalawang GM result kung makaka-iskor ito ng 1.5 points sa kanyang dalawang susunod na laban kontra kina GM Ramil Hasangatin ng Russia at ang top seed na si GM Vladimir Malaniuk ng Ukraine.
Base sa FIDE rules, isang round robin tournament, makakakuha ang player ng GM result sa twelve rounds, kalaban ang tatlong GMs, lima o higit pang players na di manggagaling sa iisang federation para sa kabuuang 8.5 puntos.
"Mahirap umiskor ng 1.5 sa dalawang GM, but I think I can do it since marami na akong experience sa ganitong situation at minsan nakakatsamba din ako like sa Mondariz noong nakuha ko ang first norm ko ganito rin ang nangyari. Sana tulungan nyo na lang po ako magdasal, para sa bansa ito," wika ng 1998 World Rapid Under-14 champion na si Paragua mayroon ng 7.5 puntos.
"My strategy in the next two games is to play for a win as white against GM Hasangatin and make a draw with GM Malaniuk. I hope my preparation will be ok. Talagang chess for blood ito," ani Paragua na kagagaling lamang sa panalo sa Genova Open at dalawang blitz tournaments.