^

PSN Palaro

HongKong 2004 Chamionships: Arabejo lumangoy ng gold

-
Lumangoy patungo sa tagumpay at gintong medalya si Ryan Paolo Arabejo ng Team MayniLA-Philippines noong Biyernes ng gabi sa kanyang kampanya sa 2004 Hong Kong Championships sa Shing Mun Valley Swimming Center sa Hong Kong.

Ang panalo ni Arabejo sa 1,500m freestyle event ay naghudyat ng magandang performance ng Manila tankers sa mahigpit na 3 araw na torneo na tinatampukan ng mga pinakamahuhusay na kabataang swimmers mula sa westernized Chinese port city kabilang na ang lahok mula sa South China.

Ang 14 anyos na mahiyain at multiple gold medalist sa 2002 Philippine National Youth Games-Batang Pinoy sa Palawan at maging sa katatapos na 3rd Manila Youth Games ay sinimulan ang paggalaw sa huling yugto ng final event para sa opening day tungo sa malaking panalo.

Ang mga miyembro ng Team MayniLA, na karamihan ay may edad 12-14 ay naka-grupo kontra sa mahuhusay na 16-under swimmers ng event na bukas sa Open at Junior categories at sanction ng International Swimming Federation.

"Considering the tough opposition, Ryan (Arabejo) really showed heart and what the Filipino youth is made of," ani Arnold ‘Ali’ Atienza, chair-man ng Manila Sports Council at delegation head.

"Let Ryan’s feat serve as an inspiration to our other athletes that determination and hard work is the key to success," ani Atienza, na isang dating Asian taekwondo champion.

vuukle comment

ARABEJO

ATIENZA

HONG KONG

HONG KONG CHAMPIONSHIPS

INTERNATIONAL SWIMMING FEDERATION

LET RYAN

MANILA SPORTS COUNCIL

MANILA YOUTH GAMES

PHILIPPINE NATIONAL YOUTH GAMES-BATANG PINOY

RYAN PAOLO ARABEJO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with