Naglaban sina Zamora at Ong hanggang sa 3-3 iskor sa unang dala-wang rounds ngunit naungusan ng NTU Tiger ang kalaban sa kanilang play-off na nagselyo sa kanyang pakikipaglaban kay Sheena Mae Perlas ng AIDA para sa welterweight crown. Tinalo ni Perlas si Jenefer Tayag ng Zamboanga, 5-2 sa kanilang duelo sa semis.
Ang dalawa pang NTU Tigers na umusad sa finals ng womens sa event na itinataguyod ng Samsung ay si Elmie Rose Baradas na ginapi si Kimberly Menchaves ng San Beda, 2-1, at isa-ayos ang pakikipagtipan kay Jessica Joy Ballesteros na namayani naman kay Michelle Homores ng Rizal High School, 4-1.
Samantala, ang hostilidad sa grade school division ay kasalukuyang nilalaro pa sa juniors at 13-under habang sinusulat ang balitang ito kung saan ang finals ay ilalaro ngayong alas-10 ng umaga. Magtatanghal din ng grand taekwondo demonstration sa alas-4 ng hapon.
Tinalo naman ni Rubilyn Mapa ng Negros, si Geraldine Agaton ng Rizal HS, 4-2, upang magka-lugar para sa lightweight gold sa event na sanction ng Philippine Taekwondo Association at suportado ng Alaska, Bacchus, IBC-13, Accel, Co-lours, The STAR, Ayala Center at Solar Sports. Makakaharap niya si Kathleen Kaye Roble ng Cagayan de Oro, na gumapi kay Therese Banayo ng Rizal HS, 3-0.
Ang iba pang umabante sa finals ng 14-17-year-old class ay sina Cristina Faye Ongpin ng Clarkfield at Rotrice Ashlie Lavalan ng UE, na maglalaban sa finweight crown; Cathy Jane Ham-pac ng Zamboanga at Kristie Jane Manapsal ng AIDA, na maghaharap sa flyweight title; Gernelyn Aranzanso ng La Salle at Monica Dianelo ng Clarkfield, na mag-aagawan sa bantam plum; at Jan Ross Pacquing at Kathleen Valenzuela ng Bulacan, na mag-aagawan sa middleweight crown.
Sa kalalakihan, isinaayos naman nina Raffy Futolan ng RPTC at Edison Bagaipo ang kanilang pagtatagpo pa-ra sa finweight crown nang pabagsakin nila sina Julius Cinco ng Ilocos Norte, 2-1, at Diego Navarro, 4-3, ayon sa pagkakasunod habang tinalo ni Vishnu Catarig ng Muntinlupa si Charlon Ferrer ng CSA sa sudden death matapos ang 3-3 tie para itakda ang pakikipaglaban kay Jason Sinoy ng General Santos para sa flyweight crown.
Nanalo naman si Giorgio Von Gerri de Guzman upang umusad sa finals ng bantam sa pamamagitan ng 4-1 panalo kay Ronald Canny ng Meycauayan at makakaharap si Dennis Resaba ng UE, na nanaig kay Jorge Alexander Gamutin ng Gen. Santos, 3-2.
Sa featherweight action, ginapi ni Jurrie Bernardino ng UST si John Ray Perez ng Laguna, 4-0, at itakda ang title duel kay Benedict Pollo-so ng Rizal HS, na tinalo si Jorge Lotas ng Antique, 3-1.