^

PSN Palaro

Galing mo, Ren-ren!

FREE THROWS - AC Zaldivar -
Sa pagpirma ni Ren-Ren Ritualo ng panibagong three-year contract sa FedEx na nagkakahalaga ng higit sa P10 million, isina-sandal na ng Express ang kanilang kinabukasan sa hotshot buhat sa La Salle. Si Ritualo na ang magiging main man ng Express matapos na ipamigay nila si Vergel Meneses sa Red Bull Barako kapalit ng sentrong si Homer Se.

Maganda rin itong nangyari kay Ren-Ren. Kasi, kung titingnang maigi ang kanyang istorya ay makikitang hindi naman superstar ang kanyang amang si Florendo Ritualo, Sr. na naglaro sa Great Taste sa mga unang taon ng Philippine Basketball Association.

Magkaiba ang laro nilang mag-ama. Ang nakatatandang Ritualo ay sentro pero hindi naman dominante noong kapanahunan niya. Tandang-tanda pa ng karamihan ang pangyayaring silang dalawa ni Danilo Pribhdas ang naghahalinhinan sa poste. Kinuha pa nga ng Great Taste noon si Manny Paner upang siyang maging main man ng koponan.

Ibig sabihin ay nag-improve ang generation ng mga Ritualos. Hindi man naging superstar ang nakatatandang Ritualo ay nabawi iyon ni Ren-Ren. Ngayon ay lehitimong superstar na siya at alam ito ng lahat. Alam ito ng FedEx kung kaya’t pinanatili siya sa kanilang bakuran sa pamamagitan ng magandang kontrata na tax-free pa!

Sa tutoo lang, malaki naman talaga ng potential ni Ritualo sa PBA. Hindi nga lang siya nabibigyan ng mahabang playing time.

Magmula noong high school siya sa San Beda hanggang sa college siya sa La Salle ay nasanay na si Ritualo na maging main man ng kanyang koponan. Siya talaga ang pinupuntirya ng depensa ng kalaban. Kapag pinakawalan siya ay magbabayad nang mahal ang kanilang kalaban dahil sa tiyak susuungin niya ang mga ito sa pamamagitan ng kanyang three-pointers.

Marami nga ang nagsasabi na sa kasalukuyang panahon kung kailan ang mga batang manlalaro ay mahilig lumipad at mag-dunk, kakaiba si Ritualo. Iilan na lang ang tulad niya na pure shooters.

At iyon talaga ang kailangan natin. Ito’y kung ang pag-uusapan ay ang partisipasyon sa mga international competitions. Hindi nga ba’t sa mga nakaraang dekada ay kinatakutan ang mga tulad nina William "Bogs" Adornado at Allan Caidic dahil sa sila ang bumabasag sa sona ng kalaban. Hindi nga ba’t ang outside shooting ngayon ang matinding sandata ng mga Koreano na nagkampeon sa nakaraang Asian Games basketball competition?

So, kailangang-kailangan ng Express ang isang tulad ni Ritualo. Iyon ngayon ang magiging thrust ni coach Joe Lipa na siyang nakapaghatid sa isang all-amateur RP Team sa third place sa Seoul Asiad halos dalawang dekada na ang nakalilipas.

Maiiba ang thrust ng FedEx ngayong wala na si Meneses. Wala nang lilipad. Babanat na lang sa labas si Ritualo.

vuukle comment

ALLAN CAIDIC

ASIAN GAMES

DANILO PRIBHDAS

FLORENDO RITUALO

GREAT TASTE

HOMER SE

JOE LIPA

LA SALLE

RITUALO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with