^

PSN Palaro

Team MayniLA-Philippines gigil nang sumabak sa aksiyon sa Hong Kong

-
Sa kabila ng mabigat na laban, nananatiling nasa magan-dang kundisyon ang Team MayniLA-Philippines at gigil ng sumabak sa aksiyon sa 2004 Hong Kong Swimming Cham-pionships na magtatampok sa mga mahuhusay na swimmers mula sa Chinese port city.

Ang Big City team ay binubuo ng mga outstanding perfor-mers sa nakaraang 3rd Manila Youth Games (MY Games) ay nakatakdang magpakita ng aksiyon sa Biyernes ng gabi kung saan sisisid ang 14-anyos na si Ryan Paolo Arabejo sa unang araw ng final competition sa 1500m meters freestyle na humakot ng mahigit sa 500 swimmers sa 40 events na itatanghal sa Kowloon Park Swimming Pool.

Isa sa naging problema ng Manila tankers ay ang pagkawala ng age bracketing kung saan ang mga miyembro ng koponan ay halos 12-14 anyos at sila ay ibinilang sa mas mataas, mala-lakas at best 16-under swimmers mula sa dating British colony.

Gayunpaman, nananatiling mataas ang morale ng koponan na binubuo nina Arabejo, Tessa Paula Alcantara, Alethea Alcan-tara, Chrisel Naziz Lagunday, Malco Alron Dacanay at Mathew Tano at handang ibigay ang lahat ng kanilang makakaya.

ALETHEA ALCAN

ANG BIG CITY

CHRISEL NAZIZ LAGUNDAY

HONG KONG SWIMMING CHAM

KOWLOON PARK SWIMMING POOL

MALCO ALRON DACANAY

MANILA YOUTH GAMES

MATHEW TANO

RYAN PAOLO ARABEJO

TESSA PAULA ALCANTARA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with