^

PSN Palaro

EAC patuloy ang pananalasa

-
Patuloy sa mainit na pana-nalasa ang host Emilio Agui-naldo College ng muli itong kumambiyo ng impresibong panalo palapit sa 14-game sweep sa elimination ng 3rd Universities and Colleges Athletic Association (UCAA) basketball tournament sa EAC Gym kahapon.

Tinalo ng Generals ang Colegio de San Lorenzo, 72-63 sa likod ng mahusay na opensa ni Ronjay Buenafe na tumapos ng 17 puntos.

Nauna rito, naligtasan ng Philippine School of Business Administration, nakaraang taong runner-up ang National College for Business and Arts sa overtime, 100-93 upang palakasin ang kanilang kam-panya sa eight-school meet na ito na suportado ng Accel, New Balance shoes, Arena swim-wear, Villa de Oro Resorts Boracay, Shakey’s Pizza, Molten at Mikasa balls.

Ito ang ikalawang sunod na panalo ng tropa ni coach Norman Isla kontra sa Griffins upang ilista ang kanilang ika-10 panalo sa ganoon ding dami ng laro.

Nagdagdag naman si Ferdinand Melocoton ng 12 puntos para sa host team na tangkang maging maganda ang kanilang kampanya sa collegiate league na ito mula ng kunin ni Isla ang coaching staff may isang dekada na ang nakakaraan.

Umiskor si Ronnie Zagala ng season-high 28 puntos ng bumangon ang Jaguars mula sa kanilang masaklap na pagkatalo sa mga kamay ng Generals kamakalawa upang pagandahin ang kanilang kartada sa 6-4.

Bumagsak naman ang NCBA at CDSL sa 5-5 win-loss slate.

vuukle comment

BUSINESS AND ARTS

EMILIO AGUI

FERDINAND MELOCOTON

NATIONAL COLLEGE

NEW BALANCE

NORMAN ISLA

ORO RESORTS BORACAY

PHILIPPINE SCHOOL OF BUSINESS ADMINISTRATION

RONJAY BUENAFE

RONNIE ZAGALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with