Dominado ng 20-anyos na si Catalan, gold medalist sa 2003 World Hwarang TKD Cham-pionship at silver medal winner ngayong taong UAAP at CPJ TKD Cham-pionships si Arellano sa buong laban sa 47-51 kg division, habang si Espi-ritu, bronze medal winner dito noong nakaraang taon at silver medalist sa UAAP ay kayang-kaya naman si Realista sa ma-kapigil-hiningang laban upang umibabaw sa 58-62 kg., division.
Itinabla naman ng Air Forcemen ang dalawang gintong medalyang nai-sukbit ng UP bets sa tour-nament na ito na inilatag ng top electronics firm Samsung sa ikatlong sunod na taon at sanc-tioned ng Philippine Taek-wondo Association nang humatak sina Chris-topher Clemente at Alex-ander Briones ng panalo kontra sa kapwa nila AFP rivals sa mens play.
Nakipagbunuan ang 26-anyos na si Clemente, three-time gold medal winner sa AFP Olympics kay Dennis Simpao sa 2-2 pagtatabla matapos ang dalawang rounds sa kanilang middle/heavy clash, subalit siya ang nakapagbigay ng mas maraming tira para manalo sa sudden death, habang walang hirap namang ginapi ni Briones, 19-anyos at gold medal winner ngayong taon sa UAAP si Israel Bermudez, 8-0 para sa welterweight crown.