^

PSN Palaro

Flyweight crown isinukbit ni Catalan

-
Ipinadama ni Loraine Sugar Catalan ang kan-yang supremidad kum-para sa kapwa niya UP bet na si Edhlie Arellano nang kanyang walisin ang women’s flyweight crown sa pamamagitan ng magaang na 9-1 panalo, ha-bang isa pang UP stalwart si Rommel Espiritu ang sumibak kay Michael Angel Realista, 3-2 para ibulsa ang men’s bantam-weight title sa Samsung Best of the Best National Taekwondo Champion-ships sa Glorietta Activity Center sa Makati City noong Huwebes.

Dominado ng 20-anyos na si Catalan, gold medalist sa 2003 World Hwarang TKD Cham-pionship at silver medal winner ngayong taong UAAP at CPJ TKD Cham-pionships si Arellano sa buong laban sa 47-51 kg division, habang si Espi-ritu, bronze medal winner dito noong nakaraang taon at silver medalist sa UAAP ay kayang-kaya naman si Realista sa ma-kapigil-hiningang laban upang umibabaw sa 58-62 kg., division.

Itinabla naman ng Air Forcemen ang dalawang gintong medalyang nai-sukbit ng UP bets sa tour-nament na ito na inilatag ng top electronics firm Samsung sa ikatlong sunod na taon at sanc-tioned ng Philippine Taek-wondo Association nang humatak sina Chris-topher Clemente at Alex-ander Briones ng panalo kontra sa kapwa nila AFP rivals sa men’s play.

Nakipagbunuan ang 26-anyos na si Clemente, three-time gold medal winner sa AFP Olympics kay Dennis Simpao sa 2-2 pagtatabla matapos ang dalawang rounds sa kanilang middle/heavy clash, subalit siya ang nakapagbigay ng mas maraming tira para manalo sa sudden death, habang walang hirap namang ginapi ni Briones, 19-anyos at gold medal winner ngayong taon sa UAAP si Israel Bermudez, 8-0 para sa welterweight crown.

AIR FORCEMEN

BRIONES

DENNIS SIMPAO

EDHLIE ARELLANO

GLORIETTA ACTIVITY CENTER

ISRAEL BERMUDEZ

LORAINE SUGAR CATALAN

MAKATI CITY

MICHAEL ANGEL REALISTA

PHILIPPINE TAEK

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with