Isa na lang ang hinihintay nila. Ngayong araw na ito, magkaka-alaman na.
Pag nanalo ang Letran, may three way tie pa ang San Beda, Baste at Mapua para sa last slot. Ibig sabihin, may mga playoffs pa sila.
Pag nanalo ang Baste, tapos na ang laban. Pasok na sila sa Final Four.
Napakagaling ngayon ng PCU. Grabe ang ipinapakita nilang laro lalo na si Robert Sanz.
Si Robert Sanz ay pamilya ng mga basketball players. Ang kuya niya ay naglalaro dati sa PBL.
Ibang klaseng leadership ang ipinapakita ni Sanz sa PCU.
Sa laban nila sa San Beda, tuwing lalapit ang San Beda sa lamang ng PCU, si Sanz ang nagliligtas sa kanila. A perfect go-to guy.
Si Sanz ay ready na sa PBL. May maturity na ang brand of play niya at maganda ang sense of leadership. Masuwerte ang team na makakakuha sa kanya.
Kung magtsa-champion man ang PCU sa conference na ito, si Sanz ang hands down MVP para sa akin.
Ang ginawa niyang pagdadala sa isang team na dating walang pumapansin ang siyang pinakamalaking bagay kung bakit sinasabi nila ngayong puwede nang mag-champion ang PCU.
Na-sweep ng PCU ang buong second round at yan ang dahilan kung bakit sila ang overall No.1 sa standings kahit na pantay ang record nila ng Perpetual.
Ibang klase rin ang ginawang pagdadala sa kanila ni coach Loreto Tolentino ng University of Manila.
First time hinawakan ni Tolentino, hayan at pa-finals na sila.
Ilang taon na rin namang champion ang UM at ang magic formula niyang ito ang dinala niya ngayon sa PCU. (Nap Gutierrez)