^

PSN Palaro

South Korea, Japan at 4 pang bansa sali

-
Kinumpirma na ng South Korea, Japan at apat pang bansa kabilang na ang Nepal ang kanilang partisipasyon sa 10th Asian Mountain Bike Championships na nakatakda sa Puerto Princesa sa Oktubre 7 hanggang 10.

Nagpadala din ng kanilang intensiyon na lumahok sa event na tampok sa Philippine Cycling Festival, ang pagbabalik ng national cycling open, ang Malaysia, Chinese Taipei, Indonesia at Thailand.

Ang championships na tatampukan ng kompetisyon sa elite division ng palusong at cross country, ay gaganapin sa highly-technical at mapaghamon na kurso sa Sitio Magarwak, Barangay Sta. Lourdes, Puerto Princesa City. Binigyan ng go-signal ng International Cycling Union, sa pamamagitan ni international mountain bike commisaire Oscar ‘Boying’ Rodriguez Jr., ang kurso, disenyo at espisipikasyon ng karerahan.

Inaasahan ng organizing Integrated Cycling Federation of the Philippines o PhilCycling ang mahigit na 15 bansang sasali sa cham-pionships, ang ikalawa sapul noong 1997 kung saan ang bansa din ang nag-host ng prestihiyosong mountain bike race.

Ang Oktubre 3 hanggang 5 ay magmamarka sa panimula ng cycling festival, na nagbalik sa national open ng sports. Ang track at velodrome races ay nakatakda sa Amoranto sa Quezon City, criterium sa Luneta, massed start sa Tagaytay City at individual time trial sa Nasugbu, Batangas. Ang national MTB Open ay idaraos sa Puerto Princesa. Ang lahat ng interesadong siklista ay maaring magtanong sa 8794374 o 8794378 o mobiles 09272426673, 09162601992 o 09178996336.

ANG OKTUBRE

ASIAN MOUNTAIN BIKE CHAMPIONSHIPS

BARANGAY STA

CHINESE TAIPEI

INTEGRATED CYCLING FEDERATION OF THE PHILIPPINES

INTERNATIONAL CYCLING UNION

PHILIPPINE CYCLING FESTIVAL

PUERTO PRINCESA

PUERTO PRINCESA CITY

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with