^

PSN Palaro

Catalan-Arellano sa all-UP title showdown

-
Isinaayos nina Sugar Catalan at Edhlie Arellano ang all-UP showdown para sa women’s flyweight crown ng Samsung Best of the Best National Taekwondo Championships sa Glorietta Acti-vity Center sa Makati City kaha-pon.

Isang solidong tama ang ikino-nekta ni Catalan kontra kay Avegail Ann de Dios ng FEU tungo sa 5-0 rout, na binugbog naman ni Arel-lano matapos magwagi nito kay Corazon Go ng Davao, 6-0, sa kanilang laban sa semis.

Paglalabanan nina Catalan at Arellano ang korona sa 47-51 kg division kung saan habang sinu-sulat ang balitang ito ay may laban pa sa anim na weight divisions ang nilalaro sa event na itinatag ng top electronics firm Samsung sa ikatlong sunod na taon.

Sa kabaligtaran, kailangang dumaan muna sa panganib sina Eunice Alora ng Laguna at Gerika Romero ng R3 Strikers bago makuha ang panalo sa kani-kani-lang kalaban at isaayos naman ang title clash sa finweight. Tinalo ni Alora si Rhoda Catarig ng Las Piñas, 2-1, habang naungusan naman ni Romero si Aprodite Brillantes ng UST, 6-5.

Samantala, magsisimula ang aksiyon sa juniors division ng IMG-organized event na ito na supor-tado ng IBC-13, Accel, Colours, The STAR, Ayala Center, Bacchus at Solar Sports sa pakikipagtu-lungan ng Philippine Sports Commission at Philippine Olympic Committee, bukas habang ang hostilidad sa gradeschool class ay magsisimula bukas. Ang finals sa dalawang nabanggit na kategorya ay ilalaro sa linggo kung saan magtatanghal din ng grand demonstration ng naturang sports.

Sa men’s action, tinalo ni Angelito Ong ng Army si Hector Arellano, 1-0, at isinunod si Jeffrey Clata ng Pangasinan, 4-0, upang itakda ang laban kay Terence Boteja ng Laguna para sa fin-weight title. Dinaig naman ni Boteja si Raymond Villapa ng RPTC, 3-1, at biniktima si Jules Rene Bayonito ng R3 Strikers, 3-2, upang umusad sa under-54 kg final.

Sa men’s flyweight, ginapi ni Jose Enriquez ng San Beda, pinigil ni Billy si Joel Corral ng UST, 2-1, bago humatak ng kapana-panabik na 5-4 panalo kay Romelle Roa ng Rizal HS at umusad sa finals ng 54-58 kg event kontra kay Reymar Aringo ng Laguna, na namayani sa pamamagitan ng superiority kay Anthony Ong ng Army, 2-2 at pinabagsak si Ricardo Moncada ng UST, 3-1.

Nauna rito, sina Richilda Erlandez ng Ilocos Norte, Mary Diorlyn Papelera ng UST, Kathy Berdejo ng La Salle at Esther Marie Singson ng UST ay nama-yani sa kani-kanilang kalaban upang umabante dun sa semis ng bantamweight division.

ANGELITO ONG

ANTHONY ONG

APRODITE BRILLANTES

AVEGAIL ANN

AYALA CENTER

CORAZON GO

EDHLIE ARELLANO

ESTHER MARIE SINGSON

EUNICE ALORA

GERIKA ROMERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with