Halos aabot pa ng higit sa P10.5 million ang tatanggapin ni Ritualo dahil bibigyan siya ng oportunidad ng Express management na magtayo ng sariling Mail&More franchise sa gusto niyang lugar.
"We are ecstatic that Ren-Ren chose to stay as an Express player. I hope this partnership will inspire him more to give his all-out performance for our team," ani Bert Lina, owner at Chairman ng FedEx ballclub sa PBA.
"Ren-Ren is one of those players, who can be a role model for our youth on and off the court. This is the reason why FedEx is honored to be the team, where he can further nurture his God given skills," dagdag pa ni Lina.
Binigyan din ni Lina ang 25 anyos na si Ritualo ng lectures tungkol sa economics of living, upang malaman niya ang paraan kung papaano palalaguin ang kanyang negosyo.
Ang pangangailangan kay Ritualo, isa sa kamador ng liga, ay lalong kinailangan nang pakawalan ng FedEx ang kanilang beteranong star na si Vergel Meneses. At dahil din dito, nabuksan ang maraming pinto para kay Ritualo na maging aktibo sa ibat ibang papel sa opensa ng koponan.
"I hope this will challenge Ren-Ren to further become the impact player that he is. I know that he will blossom into one the leagues certified stars. Its just a matter of time," anaman ni Lito Alvarez, Air21 president at FedEx Express team manager, na nangako sa kanya na ibibigay ang oras na kanyang kailangan.
Nakasaad sa kanyang tatlot kalahating taon kontratang pinirmahan, kung saan sinaksihan ng ina ng dating La Salle star na si Baby Ritualo, na tatanggap ito ng P225,000 kada buwan sa kanyang unang taon at tataas ng P250,000 sa susunod na isat kalahating taon. At sa pinal na taon ng kanyang kontrata, tatanggap ito ng P275,000 kada buwan.
At ang nag-udyok kay Ritualo na muling pumirma sa Express ay ang 30% tax shield na ibinargain ng kanyang ina. Ibig sabihin lahat ng sasahurin ng batang Ritualo ay sagot ng Express ang tax na umaabot sa P3.3 million.