Ang unang biktima ay ang matinik na defending juniors volleyball champion na De La Salle-Zobel, 25-23, 25-20, 25-16, sa EAC gym upang mapanatili ng RTU ang second place sa 3-0 sa likod ng nangungunang Miriam College sa 4-0 win-loss record.
Sa kanilang homecourt para sa seniors matches, tinalo ng Lady Technocrats ang St. Scholasticas College Scions, 25-23, 25-17, 25-19, para sa league-best na 4-0 slate.
Pinarisan ng University of the Assumption-Pampanga ang record ng RTU sa volleyball nang kanilang igupo ang Centro Escolar University, 25-23, 25-6, 25-19.
Di rin nagpahuli ang RTU seniors five na nanalo sa Miriam, 58-45, sa St. Scho gym.
Ang WNCAA 35th season ay co-presented ng Kotex at sponsored ng Adidas, The Philippine Star, RPN 9, Monster Radio RX 93.1, Pantene at Café Lupe, sa pakikipagtulungan ng Cadbury, Goldi-locks, Powerade at Molten.
Iginupo naman ng defending champion College of St. Benilde ang UA-P, 80-40, upang manatiling nasa unahan ng seniors level sa 3-0.
Umangat naman ang host school San Beda College-Alabang sa 2-1 nang kanilang pigilan ang Siena College of Quezon City, 49-23.