2 cycling courses sa Puerto Princesa aprub sa UCI
August 30, 2004 | 12:00am
Inaprubahan ng mga kinatawan ng Union Cycliste Internationale (UCI), ang world governing body para sa naturang sport ang dalawang courses na gagamitin sa 10th Asian Mountain Bike Championships sa Puerto Princesa City sa October.
Okay kay Oscar Boying Rodriguez Jr., isa sa dalawang Filipino UCI international commissaries, ang ininspeksiyong downhill at cross-country courses noong nakaraang linggo sa Sitio Magarwak, Barangay Sta. Lourdes, Puerto Princesa City.
"Only the finishing touches are left to be done," ani Rodriguez ukol sa kurso na matatagpuan sa isa sa mga forest parks ng Puerto Princesa.
Inaprubahan din ni Rodriguez ang billeting at iba pang peripheral facilities sa Puerto Princesa City, at sinabi nitong naging masigasig ang local government unit sa ilalim ni Mayor Edward Hagedorn para sa naturang event.
Ang 10th Asian MTB Championships ay nakatakda sa October 7-10 kung saan ang mga world class riders mula sa Japan, China at South Korea at 14 pang bansa kabilang ang Philippines ang makikibahagi sa championships na bahagi ng Philippine Cycling Festival ng Integrated Cycling Federation of the Philippines o PhilCycling, national federation ng cycling.
Ang festival ay sa October 3-10 kung saan magkakaroon ng track at velodrome races sa Amoranto sa Quezon City, road race sa Luneta, Tagaytay at Nasugbu at MTB sa Puerto Princesa.
Ang mga interesadong siklisata ay maaaring mag-inquire sa 8794374 o 879-4378 o sa mobiles 0927-2426673, 09162601992 at 09178996336.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest