Mailap talaga

ATHENS - Hindi itinago ni taekwondo jin Mary Antoinette ang kanyang pagkadismaya nang dumating ito sa quarters ng Philippine delegation, dalawang oras matapos mabigong makuha ang bronze medal sa Faliro Sports Pavilion dito sa 2004 Olympics.

"It hurts. I know I could have won, but breaks went against e," wika ng 16-gulang na si Rivero na bumagsak sa 2-6 decision kay Korean Sun Huwang Kyung kaya nakawala ang bronze matapos itong madiskaril sa silver o posibleng gold sa 67-kg category.

Ngunit hindi niya malilimutan ang karanasan sa Olympics. "I’m more determined now to work harder in order to earn slot in Beijing (sa 2008 Olym-pics)."

Nahirapan si Rivero sa paglalakad dahil sa pamamaga ng kanyang kaliwang binti at kamay at kanang paa matapos ang apat na laban sa kanyang unang Olympic stint, ngunit maraming kuwento.

"Maraming nakakita sa Manila (sa TV) sa laban ko sa Greek (Elisavet Mystakidou)," ani Rivero. "Lahat ng tama niya sa akin sa likod ng hips binilang samantalang ang mga hits ko walang count. I know I can beat her pero mukhang gutom sila sa panalo. Ako ang binawian."

Kung di natalo si Rivero sa Greek, 2-3 naka-silver sana siya at may tsansa sa gold matapos manalosa unang dalawang laban.

Gayunpaman, pinuri pa rin nina POC president Celso Dayrit at PSC Chairman Eric Buhain ang mahusay na performance ni Rivero.

"She showed a big fighting heart," ani Dayrit. "It’s not easy to put up a fight against local favorite."

"Sa tingin ko, sa breaks lang natalo si Antoinette," wika naman ni Buhain. "She fought bravely."

Sa 16-atleta, tanging ang marathoner na lamang na si Buenavista ang kakampanya para sa bansa sa marathon ngayong alas-6 ng umaga.

Show comments